in

Jillian Ward, Inaasahan Ng Kanyang Fans Na Siya Ang Susunod Na Marimar

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bata pa lang ay kilala na ng marami ang napaka-cute na si Jillian Ward at hindi lang pag-arte ang hinangaan sa kaniya ng publiko. Maliban kasi sa kaniyang pang-artistang mukha ay matalino din ito at kinagigiliwan nga ng mga tao sa tuwing sumasagot sa mga tanong.

Source: Jillian Ward Instagram

Samantala, ipinamalas rin niya ang angking galing sa pagkanta at pagsayaw kaya naman mas dumami pa ang kaniyang mga tagahanga.

Nag-umpisa noon si Jillian sa entertainment industry sa edad na apat na taong gulang at ngayon nga ay isa na rin siya sa mga social media influencers at mayroong milyun-milyong followers sa social media.

Source: Jillian Ward Instagram

Samantala, sa lahat ng kaniyang mga nakamit na tagumpay sa buhay ay malaki ang pinagpapasalamat niya sa mga taong naniwala sa kaniyang kakayanan at talento. Ilan na nga dito ang mga director at producer pati na rin ang mga fans na walang sawang sumusuporta sa lahat ng kaniyang ginagawa.

Source: Jillian Ward Instagram

Dahil nga sa angkin niyang galing sa iba’t ibang bagay ay hindi nakakapagtaka na mabilis ang pag-angat ng kaniyang karera bilang artista. Sa katunayan, isa siya sa mga napupusuan ng Kapuso network na gumanap bilang “Marimar” na isa sa mga sikat na teleserye noon. Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang original na gumanap bilang mga bida sa nasabing Mexican story.

Source: Jillian Ward Instagram

Marami ang nagsasabi na sw@k na sw@k si Jillian para sa ganitong role lalo na at mukha siyang banyaga. Halos lahat rin ng katangian ni Marimar ay makikita sa kaniya tulad ng pagkakaroon ng s3xy na katawan, mahabang buhok at pagkahilig sa dagat.

Isa ito sa mga pangarap ng aktres sa kaniyang showbiz career kaya naman aminado ito na abot-langit ang kaniyang saya sa tuwing naririnig ang magandang balita.

Source: Jillian Ward Instagram

Sa ngayon ay wala pang nilalabas ang Kapuso network sa opisyal na balita kung kailan magkakaroon ng remake ng “Marimar” ngunit ngayon pa lang ay marami na ang excited na mapanood ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan: Bea Alonzo, Naghanda Ng Isang Nakaka-Good Vibes Na Outdoor Cinema Para Sa Buong Pamilya!

Natalie Hart, Sumailalim Sa Isang Military Training Bilang Army Reservist!