in

Baby Boy Nina Coleen at Billy Crawford Na Si Baby Amari Kinagiliwan Ng Mga Netizens!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Parang kailan lang noong inanunsiyo ni Coleen na buntis siya sa kanilang first baby ni Billy Crawford. Ngayon nga ay big boy na si baby Amari at talaga namang kinagigiliwan siya ng mga netizens. Paano naman kasi napakacute ng kaniyang mukha na pinaghalong Mommy Coleen at Daddy Billy.

Source: Coleen Garcia Instagram

Nakakabilib din ang celebrity couple dahil sa kabila ng kanilang mga busy schedules ay talaga namang naglalaan sila ng oras para matutukan ang pag-aalaga sa kanilang unico hijo.

Samantala, hindi naman pinapalagpas nina Coleen na ma-dokumento ang mga pangyayari sa buhay ni Amari kaya naman maya-maya ay mayroon siyang pictures o di kaya naman ay videos kasama ang napaka-cute rin nilang aso. Isa ito sa mga paboritong kalaro ni Amari sa loob ng bahay at madalas nga silang magkaroon ng bonding moments.

Source: Coleen Garcia Instagram

Samantala, habang lumalaki ay padami ng padami ang nagiging fans ni Baby Amari. Mas nadagdagan pa nga ito nang sumabak siya sa photoshoot ng isang kilalang clothing line sa ating bansa. Marami ang nakapansin na parang sanay na sanay na siya sa camera at natural na ang ginagawang mga posing.

Source: Coleen Garcia Instagram

Sa kabilang banda, makikita rin sa mga social media post ng mag-asawa na mayroon silang oras at panahon para maipasyal ang anak. Sa ganitong paraan ay mas nakikilala nila kung ano mga gusto at hilig ni Amari.

Ayon pa kay Coleen, marami din siyang natutunan sa tuwing kasama niya ang anak at dito nga niya nakikita na kahit maliliit pa lang ang mga bata ay mayroon din pala tayong mapupulot na aral mula sa kanila.

Source: Coleen Garcia Instagram

Talaga namang #familygoals ang pamilya nina Coleen at Billy Crawford dahil simula noon hanggang ngayon na nagkaroon na sila ng anak ay patuloy pa rin silang nagiging inspirayon sa nakararami. Naipapakita kasi ng dalawa na kahit pareho silang nasa showbiz industry ay maari pa ring maging matibay at maganda ang kanilang pagsasama.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Hinirang Na “Most Loyal Employee” Ng Guinness World Book of Records!

Dating Janitor Noon, May Sarili Ng Pinoy Restaurant Sa Australia Ngayon