in

James Reid, Bagong Talent Manager Ng Aktres Na Si Liza Soberano!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang nagulat sa mga larawang kumalat sa social media kung saan makikitang magkasama sa isang larawan ang celebrities na sina James Reid at Liza Soberano. Magkasama silang dumalo sa isang event sa Los Angeles California at matapos nga nito ay isang magandang balita ang ibinahagi nila sa kanilang mga fans.

Source: Liza Soberano Instagram

Simula June 1,2022 ay si James Reid na ang magiging talent manager ni Liza at kinumpirma nga ito ng dating manager ng aktres na si Ogie Diaz. Hanggang katapusan nalang ng May ang kontrata ni Ogie sa aktres at sa isang mahabang viber message ay magalang naman daw na nagpaalam sa kaniya si Liza.

“Nag-decide si Liza na di na mag-renew through a long Viber message na magalang naman ‘yung bata in fairness. Tsaka paghappiness nung tao ‘yung concern, binibigay ko ‘yan.”, kwento ng dating komedyante.

Source: Liza Soberano Instagram

Nabanggit din ni Ogie na gusto ng aktres na sumubok ng ibang bagay tulad nalang ng paggawa ng mga projects sa Hollywood. Isa ito sa mga bagay na hindi niya maibibigay kay Liza kaya naman maluwag niya itong pinakawalan.

Samantala, wala namang sama ng loob ang dalawa at ayon nga kay Ogie ay nanatili pa ring matibay ang pagkakaibigan nila ng aktres.

Source: Liza Soberano Instagram

“Ang sine-save ko kasi ‘yung friendship. Kasi alam mo ‘yung ang haba ng panahon na pinagsamahan niyo eh. Hindi niyo dapat sayangin ‘yun dahil wala ka nang kinikita sa bata or wala na akong nabibigay na project sa bata. Hindi don nagtatapos ang relasyon.”, dagdag pa nito.

Sa ngayon nga ay excited na ang mga fans ni Liza sa magiging future ng kaniyang career bilang aktres. Marami rin kasi sa mga international celebrities ang nakakakilala sa kaniya at humahanga sa angkin niyang ganda at talento. Sa katunayan, hindi lang si James ang nakasama ng aktres sa Gala kundi pati na rin ang ilan sa mga possible partners nila sa business group.

Source: Liza Soberano Instagram

Masayang-masaya naman si Liza sa kaniyang na-experience abroad at marami nga siyang nakilalang tao na makakatulong sa pag-abot ng kaniyang pangarap na makapasok sa Hollywood.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Rocco Nacino At Melissa Gohing Excited Sa Kanilang First Baby!

Kilalanin Ang Hinirang Na “Most Loyal Employee” Ng Guinness World Book of Records!