in

OMGOMG

“Yun Ang Mindset”, Ronnie Alonte May Planong Pakasalan Si Loisa Andalio

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng love-team para mas lalong mapaganda ang career ng isang artista. Sa ganitong paraan ay nagtutulungan silang dalawa para maibigay ang “the best performance” para sa kanilang mga fans. Ngunit maliban dito ay natutulungan din nila ang isa’t isa para mas lalong mapabuti ang talento na meron sila.

Source: Ronnie Alonte Instagram

Samantala, halos karamihan sa mga love-team onscreen ay nagkakatuluyan sa personal at nagiging magkasintahan. Isa na dito ang love-team ng mga artista na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Source: Ronnie Alonte Instagram

Tinawag ito ng kanilang mga fans na “LoiNie” at hanggang ngayon nga ay nanatiling matatag. Sa katunayan mahigit pitong na taon na rin ang kanilang pagsasama at kahit mayroong mga kontrobersya o pag-subok ay mas pinipili nilang manatili sa relasyon.

Source: Ronnie Alonte Instagram

Kaya naman marami ang nagtatanong kung mayroon na ba silang plano na magpakasal. Isa ito sa mga gustong-gustong malaman ng kanilang mga fans at hinihiling na sana ay sila na ang magkatuluyan hanggang sa huli.

Agad namang sinagot ni Ronnie ay tanong na ito sa isang presscon ng “Love in 40 Days” ang bagong project nila ni Loisa.

Source: Ronnie Alonte Instagram

“Hindi pa siguro ngayon. Dadating tayo doon. Sa ngayon, ang focus namin is i-enjoy muna ‘yung buhay namin hangga’t bata pa kami, mag-ipon para ‘pag dumating ‘yung panahon na kailangan na, e di tara na.”, pahayag ng aktor.

Samantala, sa tagal ng kanilang pagsasama ay halos kilala na nga nila ang isa’t isa kaya wala namang duda ang dalawa at seryoso sila sa kanilang relasyon. Sa katunayan, napag-uusapan na rin nila ang kasal at ito nga ay parte ng kanilang mga plano sa buhay.

Source: Ronnie Alonte Instagram

“Dadating tayo diyan. Sa ngayon, i-enjoy muna namin…Pero huwag kayong mag-alala: iyon naman ang mindset namin, nakaplano ‘yan. Pero hindi pa ngayon.,” dagdag pa ni Ronnie.

Sa ngayon ay naka-focus muna ang magkasintahan sa kanilang career at layuning makapag-ipon para sa kinabukasan ng bubuuin nilang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan: KC Concepcion Natapos Na Ang Filming Ng Kaniyang Hollywood Movie!

Rocco Nacino At Melissa Gohing Excited Sa Kanilang First Baby!