in

Rocco Nacino At Melissa Gohing Excited Sa Kanilang First Baby!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sunod-sunod na blessings ang natatanggap ng celebrity couple na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing. Matapos nga ang kanilang engrandeng kasal noong nakaraang taon ay nasundan kaagad ito answered prayer na hindi nila akalaing mangyayari ngayong taon.

Source: Rocco Nacino Instagram

Nag-umpisa ang pag-iibigan ng dalawa noong taong 2017 at makalipas ang ilang taon ay mas lalo pa nilang nakilala ang isa’t isa. Nagdesisyon nga ang aktor na magpropose kay Melissa noong November 2021 at talaga namang pinaghandaan ito ni Rocco.

Source: Rocco Nacino Instagram

Nangyari ng proposal sa open hill na matatagpuan Valley Golf Subdivision in Antipolo. Samantala, makalipas lang ang dalawang buwan ay isang engrandeng kasal na naman ang inihanda ng dalawa para ipakita sa lahat ang kanilang pagmamahalan.

Source: Rocco Nacino Instagram

Nagpalitan ng “I do” ang Kapuso actor at professional volleyball player sa isang military wedding na ginanap sa Pier 13 malapit sa South Harbor, Manila noong January 21,2021. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilang pamilya at mga kaibigan.

Sa ngayon ay isang nakakatuwang balita naman ang hatid nila sa publiko dahil sa wakas ay buntis na si Melissa!

Source: Rocco Nacino Instagram

“Because God is kind to those who wait and pray.”, caption ng aktor sa first family photo nila habang hawak-hawak ang sonogram ng kanilang anak.

Em0syunal ang dalawa habang ibinabahagi ang good news sa mga netizens ay sa ginawa nilang Youtube channel ay ibinahagi ni Melissa kung papaano dininig ng Panginoon ang kanilang panalangin.

Source: Rocco Nacino Instagram

“I asked God for a new purpose in life and this was His answer. ❤ Our answered prayer,” kwento ng soon-to-be mom.

Ngayon nga na magkakaroon na sila ng anak ay mas lalo pang tumibay ang relasyon nina Rocco at Melissa. May nagkaroon sila ng love sa isa’t isa habang hinihintay ang kanilang “little one”. Aminado silang dalawa na medyo may k@ba being a first time parent pero mas nangingibabaw sa kanila ang excitement na makita ang blessing sa kanila ni Lord.

Source: Rocco Nacino Instagram

Ngayon pa lang ay inihahanda na ng mag-asawa ang mga gamit ng kanilang baby at nariyan pa din ang panalangin na maging okay ang pregnancy journey ni Melissa.

Congratulations Rocco and Melissa!

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Yun Ang Mindset”, Ronnie Alonte May Planong Pakasalan Si Loisa Andalio

James Reid, Bagong Talent Manager Ng Aktres Na Si Liza Soberano!