in

Tingnan: KC Concepcion Natapos Na Ang Filming Ng Kaniyang Hollywood Movie!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang talento ng mga Pilipino ay talaga namang namamayagpag kahit saan mang lugar at kahit nga mga dayuhan ay kinikilala ang kayang maipakita ng ating mga kababayan abroad. Sa katunayan, pagdating nga sa larangan ng pag-arte ay hindi diyan magpapatalo ang ating mga local celebrities na kayang-kayang makipagsabayan sa mga international actors.

Source: KC Concepcion Instagram

Isa na nga dito ang anak ni Mega Star Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Kamakailan lang ay sinurpresa niya ang kaniyang mga tagahanga na malapit na nilang matapos ang ginagawang Hollywood movie kung saan kasama ang mga kilalang artista sa iba’t ibang bansa. Ito ay walang iba kundi ang “Asian Persuasion” na sa New York pa kinunan.

Source: KC Concepcion Instagram

Matagal ding namalagi si KC sa abroad para matutukan ang nasabing project at talaga namang ginawa ang lahat para maging maganda ang kalalabasan ng buong produksyon. All-out support naman ang kaniyang Mommy Sharon na nagbigay pa nga ng ilang payo kung papaano niya gagawin ang ilang scenes.

Source: KC Concepcion Instagram

“After [two] months of living and working in NYC, we finally wrapped our film [Asian Persuasion]! Excited for you guys to see it!”, caption ito sa kaniyang Instagram posts.

Source: KC Concepcion Instagram

Super excited nga ang kaniyang mga tagahanga dahil sabik silang makita muli sa pelikula ang kanilang iniidolong artista. Samantala, habang nasa Amerika ay hindi na rin pinalagpas ni KC ang pagkakataon na makapag-relax matapos ang mahabang pagtatrabaho at nagtungo nga sa kaniyang mga paboritong lugar, Isa sa kaniyang binisita ay ang simbahan ng Hillsong New York at doon nagpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga blessings kaniyang buhay.

Source: KC Concepcion Instagram

Si KC Concepcion ang gumanap na “Avery” sa pelikula at katambal niya dito ang Hollywood actor na si Paolo Montalban na mayroon ding lahing Pinoy. Naging maganda nga ang kanilang pagsasama bilang magkatrabaho at masaya ang aktres sa kinalabasan ng kanilang paghihirap sa trabaho.

Ang “Asian Persuasion” movie ay nasa ilalim ng direksyon ni Jhett Tolentino na isa ring three-time Tony Award-Grammy-winning producer at mapapanood ito sa susunod na taon 2023.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Mas Masaya” Meryll Soriano Ibinahagi Ang Kaniyang Buhay Bilang Mom of Two

“Yun Ang Mindset”, Ronnie Alonte May Planong Pakasalan Si Loisa Andalio