in

“Never In My Whole Life”, Niña Jose Hindi Makapaniwala Na Nanalo Siya Bilang Mayor!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa bawat eleksyon na dumadaan hindi maiiwasan ang iba’t ibang kwento na talaga namang nakakamangha at kapupulutan mo ng aral. Mga kwento na tatak sa ating isipan at mamalagi nga hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

Source: Niña Jose Instagram

Ilan sa mga kwentong ito ay maaring maganda sa pandinig ng ilang tao ngunit hindi naman para sa iba. Ngunit ganoon pa man ang mahalaga ay ang pakikibahagi natin at pakikiisa sa pagtatayo ng isang magandang at huwarang mamumuno sa lugar o sa buong bansa.

Source: Niña Jose Instagram

Samantala, marami rin ang sumubok sa kanilang tadhana at tumakbo para sa mga gusto nilang posisyon dahil sa hangaring makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa kapwa. Isa na dito ang dating aktres na si Niña Jose.

Source: Niña Jose Instagram

Sinubukan ni Niña na tumakbo bilang Mayor ng Bayambang, Pangasinan at halos hindi nga makapaniwala na siya ang nanalo at hinirang ngayong alkalde ng lungsod. Siya ang papalit sa kaniyang asawa na si Mayor Cezar Quiambaoa na namuno sa lugar sa loob ng mahabang panahon.

Source: Niña Jose Instagram

“Never in my whole life did I imagine becoming a Mayor.”, pahayag ng dating aktres sa kaniyang social media post.

Lamang siya sa kalaban at nakakuha ng boto n 41, 685. Ayon kay Niña, noon pa man ay gusto na niyang maging UN ambassador kagaya ng kaniyang idolo na si Audrey Hepburn dahil na rin sa kagustuhan niyang makatulong sa mga nangangailangan.

Source: Niña Jose Instagram

Kaya naman na ngayong nanalo siyang bilang alkalde, abot-langit ang pasasalamat niya sa Panginoon dahil maaring ito na ang paraan at kasagutan sa kaniyang dalangin na makatulong sa mas malaking paraan. Samantala, hindi naman niya nakalimutang pasalamatan ang lahat ng mga tao na nagpakita sa kaniya ng suporta at naging daan nga para maabot niya ang pangarap.

Source: Niña Jose Instagram

“I have so many people to thank and I will be doing that in another lengthier post, but right now allow me to say that we continue to serve our people of Bayambang and continue to work for our Beloved Bayambang.”, dagdag ni Niña.

Sa ngayon ay lubos ang paghahanda ng dating aktres upang masiguro na magagawa niya ng tama at maayos ang posisyon na ibinigay siya ng buong sambayanan ng Bayambang, Pangasinan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Pinoy Celebrities Na Mayroong Credentials Sa Harvard University

“Mas Masaya” Meryll Soriano Ibinahagi Ang Kaniyang Buhay Bilang Mom of Two