Hangad nating lahat na magkaroon ng maginhawang buhay hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa ating pamilya. Isa nga ito sa mga dahilan kung bakit ang hinahanap nating trabaho o negosyo ay yaong malaki ang kikitahin. Dahil nga medyo mababa ang sahod dito sa ating bansa, nagdedesisyon ang ilan sa ating mga kababayan na pumuntang abroad at doon subukan ang kanilang kapalaran.

Sino nga ba naman ang mag-aakala na pwede kang kumita ng humigi’t kumulang 200,000 kada buwan? Ang kailangan mo lang gawin ay mamitas ng mga prutas sa isang napakalawak na farm!

Ganito ang trabaho ng 23-year-old Pinay na ngayon ay nakadestino na sa Australia. Nakilala siya bilang si Mariel Larson at pinatunayan niyang kayang-kayang makipagsabayan ng mga kababaihan pagdating sa paghahanap-buhay para sa pamilya. Apat na taon ng naninirahan abroad si Mariel matapos makapangasawa ng isang fruit-picker.

“Nakapunta po ako dito sa Australia dahil nakapag-asawa po ako ng isang Australyano, so dinala niya po ako dito sa Australia.”, kwento ng Pinay sa isang panayam kay Kara David.

Para matulungan ang kaniyang asawa ay pinasok na rin ni Mariel ang pagiging fruit-picker at kumikita nga ng mula PHP113,000 hanggang PHP226,000 kada buwan. Aminado siya na hindi biro ang ganito klase ng trabaho lalo na at maghapon kang nakatayo at kailangan mong punuin ang malalaking lalagyan ng 300 hanggang 500 kilo ng mga prutas. Ramdam na ramdam niya nga ang pananakit ng balakang at likod pati na rin ng mga binti noong nag-uumpisa pa lang siya sa trabaho.

Nasanay na rin si Mariel sa ganitong buhay at hindi kagaya sa nakagisnan sa Pilipinas, nakatira ang kanilang pamilya sa isang camper van dahil kailangan nilang magpalipat-lipat ng lugar kung saan naroon ang farm ng kanilang mga kleyente.

Sa ngayon ay mayroon ng anak ang mag-asawa at plano na rin nilang makapagpatayo ng sariling bahay kaya naman todo sa pagtatrabaho si Mariel kahit na hindi naman siya sinasabihan ng kaniyang mister na tumulong.

Talaga namang mangingibabaw ang sipag ng ating mga kababayang Pinoy kahit saan man silang bansa dalhin at kayang-kaya ngang kumita ng malaki dahil sa kakaibang diskarte.
Comments
Loading…