in

OMGOMG CuteCute

Silipin Ang Napakagandang Glass House Nina Zsa Zsa Padilla At Asawang Si Conrad Onglao

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mayroon tayong kani-kaniyang panlasa pagdating sa itsura at disenyo ng magiging bahay natin. Ang iba ay gusto ang natural lang na bahay gawa sa mga materyales tulad ng nipa, kawayan at kahoy.

Source: Zsa Zsa Padilla Instagram

Samantala ang iba naman ay gusto ng moderno at konkretong materyales ang ginagamit. Ngunit mayroon din naman na gusto ang kakaibang bahay na swak na swak sa kanilang personalidad tulad nalang ng mag-partner na sina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao.

Source: Zsa Zsa Padilla Instagram

Ang kanilang “dream house” ay very classic at elegante tingnan dahil napapalibutan ito ng naglalakihang salamin. Modern house ang naging peg nina Zsa Zsa at sa tulong ng kaniyang asawa na isa sa mga pinaka-magaling na arkitekto sa ating bansa ay naisakatuparan niya ang gustong disenyo.

Source: Zsa Zsa Padilla Instagram

Tatlong palapag ang glass house ng sikat na singer at napaka-aliwalas nitong tingnan. Napapalibutan ito ng mga puno at sa labas ng bahay ay mayroon din silang munting hardin at lanscape. Nagdesisyon sila na lagyan ng maraming salamin ang palibot ng bahay dahil gusto nilang pumapasok dito ang natural light at para na rin ma-appreciate ang ganda ng kanilang paligid.

Source: Zsa Zsa Padilla Instagram

Kapansin-pansin naman ang mga classic furniture at decorations na matatagpuan sa loob ng bahay. “Team puti” naman si Zsa Zsa at halos lahat nga ng mga kagamitan ay kulay puti o di kaya naman ay neutral colors. Mayroong hagdan paakyat ng bawat palapag ngunit mayroon din silang sariling elevator sa loob ng bahay.

Source: Zsa Zsa Padilla Instagram

Samantala, walang gate ang mismong bahay dahil ayaw ni Conrad na mayroon itong harang. Ngunit kahit na ganoon ay kumpleto naman ito ng security systems para na rin sa proteksyon ng buo niyang pamilya. Marami naman ang naaaliw sa iba’t ibang koleksyon ng nina Zsa Zsa at Conrad tulad nalang ng mga ferns, elephant ears, Buddha belly at selloums.

Source: Zsa Zsa Padilla Instagram

Talaga namang napaka-bongga ng bahay ng mag-asawa at sumasalamin lang din ito sa kanilang pag-iibigan na mas lalo pang pinagtibay at pinatamis ng panahon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sulyapan Ang Magarbong Dream House Ng Pambansang Bae Na Si Alden Richards

Aktres Na Si Angel Locsin Ibinahagi Kung Paano Siya Nadiskubre Sa Pag-aartista