Kung batang 90’s ka ay tiyak na kilala mo ang dating aktor na si Dino Guevarra. Isa siya sa mga childstar na bidang-bida noon sa telebisyon at mas sumikat nga sa palabas na T.G.I.F. Love team niya si Kim Delos Santos at kasama nila sa nasabing show ang ilan sa mga kilalang artista na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews.

Marami ang humahanga sa angking ka-gwapuhan ni Dino dahil para siyang may lahing banyaga at napakaputi rin ng balat. Samantala, sinusubaybayan naman ng publiko ang kaniyang mga pagganap sa pelikula dahil sa kaniyang angking galing sa pag-arte, pagsayaw at pagkanta.

Nauwi naman sa kasalan ang on-screen ibigan nila ni Kim ngunit hindi nagtagal ay kinailangan rin nilang maghiwalay dahil na rin sa mga personal na kadahilanan. Makalipas ang ilang taon ay naging partner niya si Monica De Leon at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki na sina Ethan at Miguel.

Sa ngayon ay hindi na aktibo si Dino sa showbiz ngunit paminsan-minsan ay lumalabas pa rin ang kaniyang pangalan sa mga balita. Simula nang tumigil sa pag-aartista ay iba’t ibang negosyo at trabaho naman ang sinubukan ng dating aktor. Sa katunayan napabalita noon na naging marketing manager siya ng Centuries Properties na isang Real Estate.

Nagkaroon pa ng pangatlong asawa ang dating aktor at non-showbiz ito kaya naman hindi masyadong naging maugong ang kanilang relasyon. Mas pinili rin ni Dino na mamuhay ng pribado kasama ang kaniyang pamilya at marami ang may hinala na nakatira ang mga ito abroad. Nagkaroon din ng anak ang dalawa at ito ay sina Joaquin at Annika.

Samantala, kapansin-pansin na hindi pa rin kumukupas ang angking kagwapuhan ni Dino at ang mga netizens nga ay nahalintulad pa siya sa isang kilalang foreign actor. Ito ay walang iba kundi si Peter Parker na kilala rin sa kaniyang pagganap bilang si Spiderman.

Ikaw, sa tingin mo kahawig ba ni Dino Guevarra si Peter Parker?
Comments
Loading…