in

“I Have To Stay Healthy”, Korina Sanchez Inspirasyon Ang Mga Anak Sa Kaniyang Mga Workouts

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Magandang awra at blooming na blooming nga ngayon ang news anchor na si Korina Sanchez. Marami rin ang nakapansin na mas lalong gumanda ang hubog ng kaniyang pangangatawan at naging firm ang mga muscles.

Source: Korina Sanchez Instagram

Lahat ng ito ay bunga ng kaniyang disiplina at mas lalo pang pagbutihin ang kaniyang kalusugan. Sa katunayan, kahit nasa kotse ay nagbubuhat ito ng weights at talagang mayroong siyang baun-baon sa sasakyan para kung sakaling mahaba ang traffic ay hindi sayang ang kaniyang oras.

Source: Korina Sanchez Instagram

Gusto rin ni Korina na maging inspirasyon sa kapwa niya kababaihan lalo na yaong mga nasa 40’s,50’s at 60’s. Nais nitong ipahatid na walang pinipiling edad ang pagiging s3xy at pagkakaroon ng magandang katawan. Samantala, ibinabahagi niya rin paminsan-minsan sa mga netizens kung ano ang kaniyang mga ginagawang routine maliban sa ehersisyo.

Source: Korina Sanchez Instagram

Sa ngayon ay nasa ilalim siya ng intermittent fasting at noong ay medyo nahirapan siyang mag-adjust pero dahil nga determinado ay nagawa niyang magtuloy-tuloy sa ganitong klase ng food-diet.

Source: Korina Sanchez Instagram

Suportado naman siya ng asawang si Mar Roxas at sa katunayan ay ito pa ang nagtutulak sa kaniya na huwag mahiya at maging proud sa kaniyang katawan. Samantala, nabanggit ni Korina na hindi lang siya nagdesisyon na maging inspirasyon sa ibang kundi dahil nag-aalal@ siya para sa kalagayan ng kaniyang dalawang anak na sina Pepe at Pilar.

Source: Korina Sanchez Instagram

“My kids are very young so I have to stay healthy.”, dagdag pa ng reporter.

Maliliit pa nga ang anak nilang kambal ni Mar kaya naman bilang isang ina ay concerned si Korina sa magiging future ng mga ito. Kaya naman bilang paghahanap ay nag-uumpisa siya sa kaniyang sarili lalo na at gusto niyang makita ang mga ito kung papaano sila magdalaga at magbinata.

Source: Korina Sanchez Instagram

Samantala, marami ngang mga netizens ang nagkomento at humanga sa mga social media post ni Korina. Halos lahat sila ay na-inspire na pangalagaan ang kanilang katawan hindi lang para sa sariling kapakanan kundi para na rin sa kanilang mga mahal sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang Buhay Ngayon Ni Dino Guevarra Ang Pinoy Aktor Na Hawig Ni Peter Parker Ng Spiderman

Isang Pinay Sa Australia Na Kumikita Ng 200,000 Kada Buwan Dahil Sa Pamimitas Ng Prutas