in

Aktres Na Si Angel Locsin Ibinahagi Kung Paano Siya Nadiskubre Sa Pag-aartista

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nakakatuwa na nakakamangha ang bawat kwento sa likod ng mga kilalang artista na iniidolo natin sa ngayon. Karamihan sa kanila ay nag-umpisang mangarap at nakipagsapalaran sa mga auditions para ipakita ang angking galing at talento. Umaasa na balang-araw ay makakamit rin ang tagumpay na matagal na nilang inaasam-asam.

Source: Angel Locsin Instagram

Isa na nga dito ang batikang aktres at kilalang “Darna” na si Angel Locsin. Hindi maikakaila na isa siya sa mga tinitingalang artista ngayon at sa loob ng mahabang panahon ay napatunayan niya na karapat-dapat lang siyang hangaan ng publiko. Maliban sa pagiging artista at commercial model ay isa rin siya sa mga kilalang tumutulong sa kapwa.

Source: Angel Locsin Instagram

Ngunit papaano nga ba nakilala sa entertainment industry ang isang Angel Locsin?

Ayon sa kwento ng aktres, nag-umpisa sa isang comedy ang pagkakadiskubre sa kaniya ng mga talent manager. Nasa grocery store daw siya noon kasama ang kaniyang mga kaibigan at habang namimili ay napansin niya ang isang lalaki na nakatingin sa kaniya at akmang papalapit sa kaniyang kinaroroonan.

Source: Angel Locsin Instagram

Dahil sa takot ay biglang tumakbo si Angel at sa hindi inaasahang pagkakataon ay napunit ang kaniyang grocery bag. Nang huminto para kunin ang mga nalaglag na gamit ay tinulungan pa siya ng lalaki at sa huli ay humingi ito ng paumanhin. Gusto lang pala siyang bigyan ng calling card at hiniling na subukan niyang mag-commercial model.

Source: Angel Locsin Instagram

Nang malaman ang pakay ng lalaki ay naging interesado si Angel at agad tinanong kung magkano ang magiging sahod niya dito. Aminado aktres na nagmula siya sa mahirap na pamilya kaya naman naging lakas niya ito para mas lalong pagbutihin ang kaniyang pagtatrabaho.

Kaya naman mabilis naging mabilis ang pag-angat ng kaniyang karera at mula sa pagiging commercial model ay napasok siya kaagad sa pag-aartista. Sunod-sunod na siyang nabigya ng break at minahal ng publiko dahil sa angking galing niya sa drama pati na rin sa paggawa ng mga ma-aksyong peikula.

Source: Angel Locsin Instagram

Talaga namang huwarang ehemplo si Angel Locsin sa ating lipunan at kagaya niya pwedeng-pwede ring maabot ang ating mga pangarap para sa pamilya kung sasabayan natin ito sipag at tiyaga.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang Napakagandang Glass House Nina Zsa Zsa Padilla At Asawang Si Conrad Onglao

Silipin Ang Buhay Ngayon Ni Dino Guevarra Ang Pinoy Aktor Na Hawig Ni Peter Parker Ng Spiderman