in

Tingnan Ang Mala-Mansyong Bahay Ni Mega Star Sharon Cuneta

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa loob ng ilang dekada ay kilala pa rin ng publiko ang nag-iisang singer at aktres na si Sharon Cuneta. Kilala siya sa bansag na “Megastar” dahil na rin sa angking galing na kayang makipagsabayan kahit sa mga beteranong artista.

Source: Real Living Website

Una siyang nakilala sa showbiz industry noong siya ay labing dalawang taong gulang pa lang. Marami ang humanga sa angkin niyang ganda pati na rin sa kakaiba niyang istilo sa pagkanta.

Source: Real Living Website

Simula noon hanggang ngayon ay napatunayan nga ni Sharon ang kaniyang talento bilang artista at dahil sa magandang takbo ng kaniyang karera ay marami rin siyang naipundar sa buhay. Ilan nalang diyan ang kaniyang mga negosyo at iba’t ibang properties tulad ng bahay at condo.

Source: Real Living Website

Hindi naman ipinagkait ng Megastar sa kaniyang mga fans ang kaniyang tinatawag na “forever home” at pinaunlakan nga ang hiling ng mga ito na masilip ang ilang parte ng kaniyang bahay.

Source: Real Living Website

Ang buong compound ay napapaligiran ng matataas na pader at mula sa labas ay hindi mo matatanaw kung anong meron sa loob. Ito ay para na rin magkaroon sila ng privacy at proteksyon rin sa kanilang buong pamilya.

Source: Real Living Website

Samantala, pagpasok sa bahay ay sasalubong kaagad ang magagarbong kagamitan sa sala at mga paintings sa pader na ubod ng ganda. Isa rin kasing painting collector ang aktres at malaki ang naitutulong nito para mabawasan ang kaniyang stress.

Source: Real Living Website

Tiles ang sahig ng buong bahay at halos lahat ng upuan ay gawa sa leather. Kapansin-pansin rin ang naglalakihan nilang bintana at mga chandelier na kakaiba ang mga disenyo. Nagpagawa din si Sharon ng isang long table na 12-seaters dahil gusto niya na salu-salo ang buo niyang mag-anak sa hapag-kainan.

Source: Real Living Website

Makikita sa ikalawang palapag ang lahat ng silid-tulugan at marami ang nakapansin na parang pang-hotel ang disenyo ng kanilang palikuran. Samantala, hindi naman mawawala ang swimming pool sa dream house ni Megastar at napapalibutan din ang kaniyang bahay ng magagandang halaman at landscape.

Source: Real Living Website

Talaga namang there’s no place like home kaya naman kani-kaniya tayo ng pagsusumikap sa buhay para makamit ang gusto nating klase ng bahay. Tulad nalang ni Ms. Sharon Cuneta na ubod ng sipag sa pagtatrabaho kaya naman hindi nagtagal ay na-achieve niya ang kaniyang mga pangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Anak Nina Solenn Heussaff At Nico Bolzico Na Si Baby Thylane Bininyagan Na!

Sulyapan Ang Magarbong Dream House Ng Pambansang Bae Na Si Alden Richards