in

Confirmed! Miss Universe Pia Wurtzbach Engaged Na Kay Jeremy Jauncey

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Matapos ang kaniyang pagkapanalo sa isang prestihiyosong pageant ay madalas ng abangan ng mga netizens ang bawat galaw ni Miss Universe 2017 Pia Wurtzbach. Sa katunayan, nakasubaybay ang publiko sa lahat ng kaniyang social media updates at kahit nga ang kaniyang opinion patungkol sa mga kinakaharap ng ating bansa ay talaga namang inaalam ng marami.

Source: Pia Wurtzbach Instagram

Ngunit maliban dito ay sinusubaybayan din nila ang takbo ng love life ni Pia at kamakailan lang ay nagulat sila sa suot nitong mamahaling singsing habang nagbabakasyon sa Switzerland kasama ang long-time boyfriend na si Jeremy Jauncey noong nakaraang buwan ng Abril.

Source: Pia Wurtzbach Instagram

Ito ay unang nasulyapan sa ginawang vlog ng Mommy ni Pia na si Cheryl Alonzo ngunit kapansin-pansin na tila ay itinatago pa ng beauty queen ang makinang na bato sa kaniyang daliri.

Samantala, matapos ang pagbabakasyon abroad ay magkasamang umuwi ng Pilipinas ang magkasintahan para sa kani-kanilang trabaho. Si Pia ay naimbitahan para sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 at si Jeremy naman ay dumalo sa isang tourism event.

Source: Pia Wurtzbach Instagram

Blooming na blooming pa din ang beauty queen at habang nakikipag-usap sa press ay hindi maiwasan na mausisa ang tungkol sa balita ng engagement nila ni Jeremy. Ngunit hindi nagsalita ang binata tungkol sa balitang ito.

“Oh… I cannot comment about that,”, maikling sagot ni Jeremy.

Samantala isang magandang balita ang hatid ni Pia at Jeremy sa kaniyang mga fans nang ibahagi nito ang ilang larawan ng kanilang bakasyon sa Amanpulo.

Source: Pia Wurtzbach Instagram

“We found the perfect place to celebrate and tell you guys.”, caption ng dalawa sa kanilang joint Instagram update.

Makikita sa larawan na simple pero elegante pa din ang dating ni Pia habang hawak ang isang bouquet at kumikinang ang daliri dahil sa kaniyang diamond ring.

Source: Pia Wurtzbach Instagram

Sunod-sunod ang pagbati na natanggap ng dalawa mula sa malalapit nilang kaibigan at kapwa beauty queens ni Pia tulad nina Catriona Gray. Samantala, sa ngayon ay gusto lang muna i-enjoy ng mag-fiancé ang bagong yugto sa kanilang relationship at hindi sila nagmamadali sa pagpapakasal.

Congratulations love birds!

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang Napakalaki At Magarbong Mansion Ni Jackie Chan Na Nakakalula Sa Laki!

Anak Nina Solenn Heussaff At Nico Bolzico Na Si Baby Thylane Bininyagan Na!