in

Anak Nina Solenn Heussaff At Nico Bolzico Na Si Baby Thylane Bininyagan Na!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Masayang-masaya ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa pagdating ng kanilang unica hija na si Baby Thylane. Sa katunayan, bago pa man ito isilang ay talaga namang kumpleto na ang kanilang preparasyon para masigurong maibibigay nila sa bata ang magandang buhay.

Source: Solenn Heussaff Instagram

Nariyan ang paghahanda nila ng kaniyang mga kagamitan, magandang kwarto, mga laruan at iba pang pangunahing pangangailangan. Ngunit bilang mga Kristiyanong magulang batid ng mag-asawa ang kanilang responsibilidad na ipakilala sa anak ang kanilang pananampalataya na mag-uumpisa sa binyag. Kaya naman walang inaksayang panahon sina Solenn at agad naghanda ng intimate Baptism ceremony para kay Thylane.

Source: Solenn Heussaff Instagram

Ginanap ito sa isang Katolikong simbahan at dinaluhan ng ilan sa kanilang malalapit na pamilya at kaibigan. Marami sana ang gusto nilang imbitahan para sa espesyal na okasyon ngunit bilang pag-iingat ay nilimitahan nila ang bilang ng mga tao na pwedeng pumunta. Halos karamihan sa nakiisa sa binyag ni Thylane ay mga artista tulad nalang ng sister-in-law ni Solenn na si Anne Curtis at ninang din siya ng bata.

Source: Solenn Heussaff Instagram

“After two years and four months”.,caption ng aktres sa kaniyang ibinahaging larawan ng anak sa social media.

Medyo natagalan nga ang binyag ni Thylane dahil na rin sa pinagdaanan nating pand3miya noong nakaraang mga taon. Ngunit sa kabila nito ay naging matagumpay naman ang pagpapahayag nila ng kaniyang pananampalataya bilang Kristiyano at bilang ina ay masaya nga si Solenn sa panibagong yugto sa buhay ng kaniyang anak.

Source: Solenn Heussaff Instagram

Samantala, pagkatapos ng misa ay isang masayang reception naman ang inihanda para sa mga bisita lalong-lalo na para sa mga kaibigang bata ni Thylane. Mayroon silang mini playground kung saan pwede mag-slide at enjoy na enjoy dito ang mga tsikiting tulad nalang ng anak ni Anne na si Dahlia.

Simple man ang naging celebrasyon ay punong-puno naman ito ng kasiyahan at kitang-kita nga ito sa ilang video na ibinahagi ng mag-asawang Solenn at Nico sa kani-kanilang social media accounts.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Confirmed! Miss Universe Pia Wurtzbach Engaged Na Kay Jeremy Jauncey

Tingnan Ang Mala-Mansyong Bahay Ni Mega Star Sharon Cuneta