Inaabangan at kinasasabikan ng mga Pilipino ang bawat palabas at balita patungkol sa international action-star na si Jackie Chan. Sa katunayan napamahal na ito sa mga Pinoy at halos lahat nga ng pelikula niya ay alam na alam ng ating mga kababayan pati na rin ng mga kabataan.

Kilala si Jackie Chan hindi lang sa angking galing niya sa pag-arte kundi lalo na pagdating sa talento nito sa karate. Aliw na aliw nga ang kaniyang mga viewers dahil kakaibang stunt ang ginagawa ng aktor at sa bawat pagtatapos ng kaniyang mga pelikula ay ipinapakita kung papaano niya pinaghihirapan ang bawat action stunts. May comedy din minsan sa kaniyang mga palabas kaya naman hindi ito boring panoorin.

Samantala, maliban sa kaniyang tagumpay sa entertainment career ay hinahangaan ngayon si Jackie Chan dahil sa kaniyang napaka-laking bahay na aakalain mo ngang pagmamay-ari ng isang hari. Ang buong lupain ay may sukat na 30,000 sqm samantalang ang mismong bahay naman ay aabot sa 7,500 sqm.

Mayroon itong malawak na hardin at mula sa nagtataasang gate ay sasalubong sa mga bisita ang isang magandang landscape. Napapaligiran ang compound ng mga pine trees at iba pang malalaking puno. Sa gitna naman nito ay makikita ang isang malaking fountain na talagang nakaka-relax pagmasdan.

Dalawang palapag ang bahay ng aktor at mayroon ditong iba’t ibang kwarto para sa buong mag-anak at sa kanilang mga kaibigan na madalas bumisita sa kanila.

Halos lahat naman ng appliances at furnitures ay makikita sa loob ng bahay ni Jackie Chan na napakalinis tingnan dahil sa kulay puting pintura. Mamahalin din ang mga kagamitan dito at eleganteng tingnan.

Syempre hindi mawawala sa mansion ang swimming pool na mayroon pang kasamang spa area at waterfalls attractions. Mayroon din silang wine room at entertainment room na madalas puntahan ng mga bisita.

Talaga namang makikita sa naipundar na bahay ni Jackie Chan kung gaano siya katagumpay sa buhay. Hindi lang ito ang dahilan kung bakit siya hinangaan ng marami dahil kilala din siya sa pagkakaroon ng magandang pag-uugali.
Comments
Loading…