in

Kristine Hermosa, Hinangaan Ang Walang Kupas Na Kagandahan Kahit Mayroon Ng Limang Anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan ng publiko ang magandang mukha ng aktres na si Kristine Hermosa. Isa nga ito sa kaniyang mga katangian na talaga namang hinangaan ng ating mga kababayan.

Source: Kristine Hermosa Instagram

Sinusubaybayan rin ang halos lahat ng mga ginagawa niyang pelikula at maliban nga sa kaniyang mga proyekto sa show business ay inaabangan rin ng kaniyang mga tagahanga ang tungkol sa kaniyang love life.

Marami ang nagkakagusto sa dating aktres at nagkaroon din ng iba’t ibang kasintahan ngunit sa huli ay ikinasal siya sa aktor na si Oyo Boy Sotto noong taong 2011.

Source: Kristine Hermosa Instagram

Happily married na nga ngayon si Kristine Hermosa at kitang-kita ito sa kaniyang mga social media posts. Sa paglipas ng panahon ay sunod-sunod ang pagkakaroon nila ng anak ni Oyo at nagdesisyon nga na isantabi muna ang trabaho bilang artista para makapag-focus sa kanilang lumalaking pamilya. Naiiwan sa bahay ang aktres at kahit mayroong kasambahay ay hands-on siya sa pag-aalaga sa limang anak.

Source: Kristine Hermosa Instagram

Hindi nga biro ang mga trabaho ng aktres bilang isang housewife ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nagkakaroon pa rin naman siya ng oras para sa sarili. Sa katunayan, nagagawa niya pang magtanim ng mga halaman sa kanilang maliit na hardin at pinagbubuti rin ang kaniyang hilig sa pagluluto at baking.

Source: Kristine Hermosa Instagram

Samantala, marami ang nakakapansin na hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang ganda ng aktres at mas lalo pa nga itong nagiging blooming kahit na mayroon ng limang anak. Mas naging maganda rin ang kaniyang pangangatawan dahil talaga namang naglalaan siya ng panahon para makapag-ehersisyo.

Isa nga sa kaniyang Instagram post ay talaga namang umani ng papuri mula sa mga netizens. Isa itong selfie kung saan makikita ng malapitan ang mukha ni Kristine na walang make-up.

“Magic happens when we “SMILE” – it’s uplifting and contagious.”, caption ng aktres.

Source: Kristine Hermosa Instagram

Talaga namang ang pagiging masiyahin ay malaking tulong para mas gumanda ang ating awra at mabasan ang bakas ng stress sa ating mukha.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kapuso Aktres Kris Bernal, Ipinasilip Ang Naipundar Nilang Bahay Sa Amerika!

“Almost There” Mag-asawang John Prats At Isabel Oli, Excited Ng Matapos Ang Kanilang Dream House