in

“Almost There” Mag-asawang John Prats At Isabel Oli, Excited Ng Matapos Ang Kanilang Dream House

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ilang araw nalang ay malapit ng ipagdiwang ng celebrity couple na sina John Prats at Isabel Oli ang kanilang 7th wedding anniversary. Matatandaang ikinasal ang dalawa noong May 16, 2015 sa isang simbahan sa Batangas. Ito ay matapos ang isang napaka-ganda at viral na proposal ng aktor sa pamamagitan ng isang flash mob sa Eastwood City.

Source: Isabel Oli Instagram

Nasaksihan nga ng publiko ang kanilang pag-iibigan lalo na at pareho silang nagtatrabaho sa entertainment industry. Ngunit matapos ikasal ay medyo naging pribado ang buhay ng mag-asawa at nag-focus nga sa kanilang pamilya at ilang mga negosyo. Samantala, noong 2019 ay ibinalita nina Isabel na halos kalahati na ang natatapos sa konstruksyon ng kanilang dream house at ang ilang detalye nito ay magiliw nilang ibinahagi sa isang Youtube vlog.

Source: Isabel Oli Instagram

Marami nga ang natutuwa dahil unti-unti ng naabot ng mag-asawa ang kanilang mga pangarap para sa pamilya at karamihan sa mga netizens ay excited na ring makita ang magiging mukha ng bahay nina John Prats at Isabel.

Source: Isabel Oli Instagram

Hindi naman ito ipinagkait ng dalawa at lagi na nga silang nagiging updated sa kanilang mga social media. Sa katunayan, kamakailan lang ay magkasunod na video ang ibinahagi nila at nagpapakita ito ng ilang detalye tungkol sa kanilang home sweet home na malapit ng matapos.

Source: Isabel Oli Instagram

“Building new adventures and memories soon!!! “, caption ng dating aktres.

Source: Isabel Oli Instagram

Makikita dito ang isang malawak at maaliwalas na kapaligirang napapalibutan ng mga puno. Malaki ang nasabing bahay at mayroon itong dalawang palapag na halos gawa sa kahoy, semento at bakal. Bawat silid ay mayroong mga bintana kung saan masisilip ang magagandang tanawin.

Source: Isabel Oli Instagram

Mayroon ding swimming pool ang mag-anak at ito ay matatagpuan sa harapang bahagi ng kanilang bahay. Tiyak na magugustuhan ito ng mga bata dahil malilim ang lugar.

Source: Isabel Oli Instagram

Talaga namang napakaganda ng konsepto ng dream house nina John at Isabel kaya naman hindi nakakapagtaka na batiin sila ng mga netizens pati na rin ng kanilang mga celebrity friends. Medyo natagalan man bago natapos ay masaya ang mag-asawa dahil sa wakas ay lilipat na sila sa bahay na matatawag nilang kanila.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kristine Hermosa, Hinangaan Ang Walang Kupas Na Kagandahan Kahit Mayroon Ng Limang Anak

Estudyanteng Nagtrabaho Bilang Yaya Para Makapagkolehiyo, Top-1 Ngayon Sa Licensure Examination for Teachers!