in

Kapuso Aktres Kris Bernal, Ipinasilip Ang Naipundar Nilang Bahay Sa Amerika!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pagdating sa sipag at determinasyon sa pagtatrabaho ay talaga namang hindi magpapahuli diyan ang Startstruck alumnus na si Kris Bernal. Sa katunayan, ang mga katangiang ito ang siyang dahilan kung bakit naka-survive siya sa nasabing reality show at halos ilang dekada na ring nagtatrabaho sa entertainment industry.

Source: Kris Bernal YouTube

Hindi pa dito natigil ang aktres at maliban sa pagtanggap ng sunod-sunod na projects ay nagdesisyon din siyang magtayo ng sariling make-up line na pinangalanan niyang SHE cosmetics. Maliban dito ay mayroon din siyang iba’t ibang negosyo na talaga namang patok na patok sa masa.

Source: Kris Bernal YouTube

Lahat ng pagpapagod at puyat ay ginagawa ng aktres para sa kaniyang mga pangarap hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa kaniyang buong pamilya. Isa nga sa mga na-achieve nito ay ang bahay na naipundar nila sa Amerika!

Source: Kris Bernal YouTube

“The long wait is over! Request granted mga She-zums. This is another house tour but this time, our house in Los Angeles, California!

Sa kaniyang social media post ay ipinasilip saglit ng aktres sa mga netizens ang bahay abroad na tinutuluyan din ngayon ng kaniyang Ate na nagtatrabaho doon bilang isang nurse. Mayroon itong dalawang palapag at pagpasok pa lang ay bubungad na kaagad ang kanilang malawak na sala at katabi nito ang kusina at dining area.

Source: Kris Bernal YouTube

Ipinakita rin ni Kris ang ikalawang palapag na mayroong apat na kwarto at ang pinaka-malaki nga dito ay ang kwarto ng kaniyang Ate na siyang nangangalaga ng bahay habang wala doon ang aktres. Syempre hindi rin mawawala ang kanilang entertainment area at club house. Sa likurang bahagi naman doon makikita ang sariling nilang swimming pool.

Source: Kris Bernal YouTube

Hindi man ito kasing bongga tulad ng ilang celebrity houses abroad ay proud na proud pa din si Kris sa kaniyang naging achievement lalo na at hindi rin biro ang trabaho at effort na ginawa niya para magkaroon ng ganitong investment abroad.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mariz Racal, Masayang Ibinahagi Ang Kaniyang Naipundar Na Bahay

Kristine Hermosa, Hinangaan Ang Walang Kupas Na Kagandahan Kahit Mayroon Ng Limang Anak