in

Sandara Park, Umorder Ng Pagkain Sa Dubai Gamit Ang Salitang Tagalog!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Muling pinatunayan ng KPop idol na si Sandara Park na karapat-dapat lang siyang mahalin at hangaan ng mga Pilipino. Maliban kasi sa dito siya sa bansa unang nakilala ng ating mga kababayan matapos sumali sa isang reality show ay nananatili pa rin sa kaniya ang mga pag-uugali at kasanayan ng pagiging isang Pilipino. Sa katunayan hanggang ngayon ay marunong pa rin siyang magsalita ng Tagalog!

Source: Sandara Park Instagram

Madalas ngang magsalita si Dara ng sarili nating wika lalo na kapag nalaman niya na ang kausap ay isang kababayang Pilipino. Ito ay nangyari na naman noong nakaraang linggo matapos bumisita ang aktres at dancer sa isang restaurant sa Dubai. Napag-alaman niya na karamihan sa mga nagtatrabaho dito ay mga Pinoy kaya naman sinubukan niyang mag-order gamit ang salitang Tagalog.

Source: Sandara Park Instagram

“For your information. I’m in Dubai right now but since there are so many Pinoys here, I keep on speaking Tagalog so naturally. So comfortable!”, pagbabahagi nito sa kaniyang social media account.

Sa isang video nga ay makikitang casual na nakikipagusap ang “Pambansang Krng Krng” sa waiter at gumagamit pa ito ng magagalang na salita tulad ng “po” at “opo”. Talaga namang napakabihasa niyo sa pagsasalita at kahit nga mga kasama niyang Korean ay namamangha sa angkin niyang talento. Si Dara na rin mismo ang nag-order at nagtatanong sa mga gustong pagkain ng kaniyang kasama.

Source: Sandara Park Instagram

“Nag-oorder ako ng food in Tagalog and then I realized nasa Dubai pala ako. Ang cute!!! Thank you sa mga love niyo sa akin.”, kwento pa ni Sandara.

Marami ang na-aliw sa accent ni Sandara dahil talaga namang Pilipino ang dating nito hindi kagaya ng ilan na nilalagyan pa ng arte. Hinangaan rin siya ng mga OFW dahil proud na proud ito na makita ng publiko habang nagsasalita sa wika ng mga Pinoy.

Source: Sandara Park Instagram

Talaga namang kahanga-hanga ang pag-uugali ni Sandara Park at hindi lang angking talento sa entertainment ang kaya niyang maibigay sa mga fans kundi pati na rin ang kagandahan loob at marunong sa pakikipag-kapwa tao.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jennylyn Mercado At Dennis Trillo Masayang Sinalubong Ang Kanilang Anak Na Si “Baby D”

Mariz Racal, Masayang Ibinahagi Ang Kaniyang Naipundar Na Bahay