in

LoveLove

Jennylyn Mercado At Dennis Trillo Masayang Sinalubong Ang Kanilang Anak Na Si “Baby D”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang masayang surpresa ang hatid ng Kapuso aktres na si Jennylyn Mercado sa kaniyang bagong release na Youtube vlog. Ito ay matapos niyang ilibot ang mga netizens sa napaka-cute na nursery room na inihanda nila para sa nalalapit na paglabas ng anak nila ng aktor na si Dennis Trillo.

Source: Facebook

Ngunit laking gulat ng mga viewers dahil sa dulo ng nasabing vlog ay ibinalita ng aktres na sunod na siyang isasalang sa delivery room!

Source: Facebook

“Checkup lang dapat kami ngayon e, bigla na lang kaming manganganak na daw. Hindi kami ready”., banggit ni Jennylyn.

Samantala, si Dennis naman ay abala sa pag-aayos ng kaniyang sarili at nag-suot na ng scrub suit para sumunod sa 0perating room kung saan naroon ang aktres.

Source: Facebook

“Susunod na ako sa 0perating room, medyo kinakabahan ako.”, pahayag ng aktor.

Source: Facebook

Matatandaan na matapos ang kanilang intimate wedding noong November 15, 2021 ay sunod ring ibinalita ng celebrity couple ang maagang blessing na natanggap nila bilang mag-asawa. Sa wakas nga ay natupad kaagad ang pangarap nila na magkaroon ng anak at kahit hindi ito ang first time para kay Jennylyn ay aminado siyang naroon pa rin ang kaniyang k@ba. Ngunit sa kabila nito ay mas nangingibabaw ang kaniyang kagalakan at excitement na makita ang anghel na ipinagkatiwala sa kanila ni Dennis.

Source: Jennylyn Mercado Instagram

Isang healthy baby nga ang isinilang ng aktres noong April 25 at lubos silang nagpapasalamat sa mga doctor at h0spital staff na talaga namang tinulungan sila sa lahat ng kanilang mga kailangan. Isang masayang picture naman ang ibinahagi ni Dennis sa social media habang makikitang nakahiga pa sa h0spital bed si Jennylyn.

Source: Jennylyn Mercado Instagram

Sa ngayon ay wala pang ibang detalye patungkol sa kanilang anak ngunit binigyan nila ito ng palayaw na “Baby D”. Excited na nga ang mga netizens na makita ang mukha ng sanggol at gustong malaman kung sino ba ang magiging kahawig nito sa kaniyang mga magulang.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan: Bea Alonzo Elegante Ang Dating Sa Kaniyang Minimalist Bridesmaid Look!

Sandara Park, Umorder Ng Pagkain Sa Dubai Gamit Ang Salitang Tagalog!