in

Tingnan: Bea Alonzo Elegante Ang Dating Sa Kaniyang Minimalist Bridesmaid Look!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang nag-aabang sa bawat updates ng aktres at ngayon ay isa ng vlogger na si Bea Alonzo. Maliban kasi sa kaniyang magagandang pagganap sa mga roles sa pelikula ay nakaka-inspire din ang kaniyang buhay at lubos ngang hinahangaan ng mga netizens. Ilan pa sa inaabang ng lahat ay ang kaniyang mga travels, adventures, adulting tips at OOTD’s na talaga namang bagay na bagay sa kaniya.

Source: Bea Alonzo Instagram

Samantala, kamakailan lang ay marami na naman ang namangha sa classic beauty ni Bea Alonso na mas lalong kuminang sa kaniyang suot na minimalist bridesmaid gown. Gawa ito ng kaniyang kaibigan at fashion designer na si Neric Beltran.

Source: Bea Alonzo Instagram

Madalas siyang magpagawa dito ng mga damit para sa iba’t ibang okasyon. Suot rin ng award-winning actress ang isang tennis necklace na mula sa JMA Jewelry. Gamit niya naman ang Siren wristlet bag na ng local designer na si Bea Valdes.

Source: Bea Alonzo Instagram

Nag-attend siya noon ng kasal ng kaibigang si Chloe Collings at sa mga ibinahaging larawan ni Bea ay pinuri siya ng mga netizens at talaga namang hindi maiwasan ng ilan na kiligin dahil kasama niya dito ang aktor at boyfriend na si Dominic Roque. Super cute nga ng dalawa at marami ang nagsasabi na bagay na bagay silang magkasintahan.

Source: Bea Alonzo Instagram

Talaga namang fan si Bea ng mga local artists ang designers kaya naman ganoon nalang ang pagsuporta niya sa mga ito. Proud din siya na magamit ang gawa ng ating mga kababayan na pang-world class ang dating.

Source: Bea Alonzo Instagram

Samantala, marami ang excited na makita si Bea sa kaniyang wedding gown at hiling nga ng kaniyang mga fans na sana ay si Dominique na ang kaniyang “The One” at ihaharap sa altar. Ngunit sa ngayon ay ayaw pa muna itong pag-usapan ng dalawa at enjoy lang sila sa kanilang relasyon habang sabay na nililibot ang mundo at magkasamang sinusubukan ang mga adventures na hindi pa nila nagagawa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating Kargador Na Si Mark Allen Armenion, Top 2 Sa 2022 Mechanical Engineer Board Exam!

Jennylyn Mercado At Dennis Trillo Masayang Sinalubong Ang Kanilang Anak Na Si “Baby D”