in

Dating Kargador Na Si Mark Allen Armenion, Top 2 Sa 2022 Mechanical Engineer Board Exam!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karanasan sa buhay ang isa sa mga nagiging inspirasyon ng karamihan sa ating mga kababayan para lalong magsumikap na maabot ang kanilang mga pangarap. Sa kabila nga ng hirap at pagsubok ay buo ang loob nila at determinado na matapos ang kailangang gawin para magtagumpay. Ganito ang nangyari sa isang lalaki na viral ngayon dahil sa kaniyang nakaka-inspire na kwento. Siya ay walang iba kundi si Mark Allen Armenion.

Source: Mark Allen Armenion

Tubong Cebu si Allen at naninirahan siya sa Warwick Barracks, Carbon Market, Cebu City kasama ang kaniyang pamilya. Bunso siya sa apat na magkakapatid at ang kaniyang ina ay nagtitinda sa palengke samantalang nagtatrabaho naman ang kaniyang ama bilang tagaluto ng litson.

Source: Mark Allen Armenion

Payak na buhay ang kinalakihan ni Allen at sa murang edad ay nakita niya ang pagsusumikap ng kaniyang mga magulang. Sa katunayan, naranasan niya rin noon na maging kargador ng tubig para makatulong sa gastusin ng pamilya. Dahil nga sa kanilang kalagayan ay naapektuhan ang kaniyang pag-aaral at madalas ay absent sa school. Ilang beses din siyang bum@gsak at umulit noong elementarya at highschool.

Source: Mark Allen Armenion

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nakita ni Allen na mayroon pala siyang angking galing pagdating sa Mathematics kaya naman pinagsikapan niyang mas lalo lang maging bihasa sa subject na ito. Dahil dito ay nag-working student siya at nakilala simula ng manalo sa National Quiz Champion sa 2018 Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) Quiz Bowl 2018. Hindi lang ito ang naging award ni Allen dahil 2018 at 2019 ay nagwagi din siya sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. (CESAFI) Math Quiz Bowl!

Source: Mark Allen Armenion

Samantala, aminado si Allen na Top 1 ang target niya sa Board Exam at kahit medyo dismayado dahil hindi niya nakamit ang plano ay masaya pa rin ito dahil naipamalas niya muli ang kaniyang angking talento. Nakatanggap din siya ng PHP120,000 incentive mula sa University of Cebu kung saan siya nag-graduate.

Talaga namang amazing ang ang galing ni Allen at isa na naman itong patunay na ang pangarap sa buhay ay kayang-kayang makamit kung ikaw ay determinado at may tamang plano.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mommy Coleen Garcia, Ibinahagi Ang Cute Sleeping Routine Ni Baby Amari

Tingnan: Bea Alonzo Elegante Ang Dating Sa Kaniyang Minimalist Bridesmaid Look!