in

LoveLove CuteCute AngryAngry

Mommy Coleen Garcia, Ibinahagi Ang Cute Sleeping Routine Ni Baby Amari

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat bata ay mayroong kani-kaniyang paboritong laruan at madalas nga nila itong dala kahit saan sila magpunta. Ilan nalang dito ang mga teddy bears o di kaya naman ay baby toys na niregalo sa kanila. Ngunit kakaiba itong unico hijo nina Coleen Garcia at Billy Crawford dahil bola na pang basketball ang paborito niyang paglaruan sa murang edad. Sa katunayan, hindi niya ito nilulubayan hanggang sa kaniyang pagtulog!

Source: Coleen Garcia Instagram

Ayon sa Instagram post ng aktres mayroon silang bedtime routine ng anak na si Amari at nag-uumpisa ito sa pagsabi ng “good night” sa lahat ng tao at gamit na nakikita niya sa loob ng bahay. Pagkatapos nito ay pumipili ang anak ng gusto niyang laruan na isasama niya sa higaan at hawak-hawak sa kamay hanggang sa makatulog. Noong una ay maliliit na bato at bola ang gusto ni Amari pero ngayon ay isang totoong basketball na ang gusto niyang katabi.

Source: Coleen Garcia Instagram

Marami ngang mommies ang naka-relate at nag-komento na ganito rin ang madalas na mangyari sa kanilang baby kapag oras na ng pagtulog. Samantala, hinangaan naman si Coleen ng mga netizens dahil hanggang ngayon itinutuloy niya pa din ang pagiging breastfeeding-mom. Mahalaga kasi ito sa kalusugan ng bata at maganda rin sa kaniyang growth development.

Source: Coleen Garcia Instagram

Bilang nag-iisang anak ay ibinubuhos ng aktres ang kaniyang atensyon at pag-aalaga kay Amari. Gusto nito na nasusubaybayan niya ang paglaki ng anak at talagang naglalaan siya ng quality time para masigurong naipapadama niya dito ang kaniyang pagmamahal.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Billy dahil bata pa lang ay mukhang magiging ka-bonding na niya ang anak sa larong basketball lalo na at ngayon pa lang ay nagpapakita na ito ng hilig sa nasabing sports.

Source: Coleen Garcia Instagram

Sa ngayon ay patuloy na inaabangan ng mga netizens ang mga updates patungkol kay Amari at marami nga ang nagsasabi na ang batang ito ay isa sa mga susunod na hearthrob ng kaniyang henerasyon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mag-asawa Sa Cebu, Kinagiliwan Ng Mga Netizens Dahil Sa Nakakatuwa Nilang Pre-nup Photoshoot

Dating Kargador Na Si Mark Allen Armenion, Top 2 Sa 2022 Mechanical Engineer Board Exam!