in

CuteCute OMGOMG

Kilalanin Si Rambo Nuñez, Ang Fiancé Ni Maja Salvor Na Napakayaman Pala

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nag-uumapaw ngayon sa saya ang aktres na si Maja Salvador dahi sa wakas ay engaged na siya sa kaniyang long-time boyfriend na si Rambo Nuñez. Marami nga ang natutuwa sa balitang ito at nagkaroon ng interes para mas kilalanin ang lalaki na makakasama ng aktres sa pagharap sa altar.

Source: Rambo Nuñez Instagram

Marahil marami sa atin ang nakaka-alam na si Rambo ay isang businessman at nagmula sa mayamang angkan na nakatira sa Cagayan de Oro. Hindi lang ito ang pogi points para sa fiancé ng aktres dahil siya rin ang CEO ng Pop Up Digital Ph at Forthinker Inc. Siya rin ang presidente ng Proof Eyewear sa bansa at Chiet Marketing Officer din ng isang unit sa 27 Apartment Bar & Café.

Source: Rambo Nuñez Instagram

Hindi lang sa business magaling si Rambo dahil madalas din itong ma-involve sa mga private company na naglalayon ng maganda para sa ating mga kababayan. Sa ngayon nga ay na-nominate din siya para sa PBA Partylist.

Source: Rambo Nuñez Instagram

Samantala nagkwento naman ang aktres kung papaano sila unang nagkakilala ng kaniyang fiancé at ilan sa mga pinagdaanan nilang pagsub0k bago sila humantong sa engagement. Sa isang interview para sa Star Magic Lounge ay nabanggit ng aktres na una niyang nakita si Rambo matapos manood ng concert ni Sarah Geronimo.

Source: Rambo Nuñez Instagram

Pagkatapos ng event ay kumain siya sa isang restaurant kasama ang kaniyang mga kaibigan at doon niya napansin ang aktor na si Marco kasama si Rambo. Dahil sa common friends nila nagkaroon ng chance para magkausap ang dalawa at noong gabing yun ay nag-text kaagad si Rambo sa aktres. Doon na nga nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Source: Rambo Nuñez Instagram

Talaga namang very accomplished ang fiancé ni Maja Salvador at swak na swak ito sa personality ng aktres. Sa katunayan, marami silang bagay na pinagkakasunduan at mga hilig na magkaparehas. Sa ngayon nga ay sunod-sunod ang mga pagbati na natatanggap nila mula sa mga netizens na super excited na ring makita si Maja na maglakad sa altar at ikasal sa lalaking kaniyang pinakamamahal.

Source: Rambo Nuñez Instagram

Congratulations sa inyo Maja & Rambo!

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Almost Ready To Move In” Camille Prats Ipinasilip Ang Kaniyang Dream House Na 2 Years In The Making

“Island Week” Alice Dixon Masayang Ibinahagi Ang Pamamasyal Sa Beach Kasama Si Baby Aura