Mahaba-haba na naman ang holiday sa buwang ito at saktong-sakto pa sa panahon ng summer. Kaya naman halos lahat sa ating mga kababayan ay mayroong plano na magpunta sa beach at hindi rin magpapahuli ang mga celebrities dito. Sa katunayan, halos lahat ng beach sa ating bansa tulad ng Boracay, Palawan at Cebu ay talaga namang dinarayo at halos punong-puno.

Samantala, aliw na aliw ang mga netizens sa ibinahaging larawan ng batikang aktres na si Alice Dixon sa kaniyang social media account. Wala pa ring kupas ang ganda ng aktres at kahit ang kaniyang pangangatawan ay beach ready pa din.

Ngunit ang talagang nakaakit sa atensyon ng marami ay ang kasama niyang napaka-cute na baby. Ito ay walang iba kundi si Baby Aura na halatang enjoy na enjoy ang paglalaro sa dalampasigan. Mayroon pa itong hawak na maliit na timba habang pinaglalaruan ang mga buhangin.

Ayon sa post ng aktres mukhang isang linggo silang mamalagi sa beach at isang paraan na rin ito ng pagbobonding nila ng anak na noon pa man ay mahilig na rin sa pamamasyal.

Matatandaan na noong nakaraang taon buwan ng April ay ginulat ni Alice ang publiko sa balitang magkakaroon na sila ng anak ng kaniyang non-showbiz partner. Sa wakas nga ay matutupad na niya ang pangarap at kahilingan na maging isang ina at nangyari ito sa pamamagitan ng tinatawag na surrog@cy.

Simula nga ng lumabas si Baby Aura ay mas lalong na-inspire sa buhay ang aktres at wala siyang ibang ginawa kundi ang maglaan ng oras para makasama at maalagaan ang kaniyang unica hija.

Sa katunayan, bata pa lang ay kung saan-saan na nakakarating si baby Aura at noong nakaraan nga ay pumunta sila ng Ilocos. Dito niya nakita ang iba’t ibang hayop at nagkaroon pa ng pagkakataon na magpakain ng mga giraffe.

Talaga namang napakagandang pagmasdan ng mag-ina na Alice Dixon at Baby Aura. Maraming netizens ang tuwang-tuwa na makita ang kanilang beach bonding at excited na nga silang lumaki si Aura dahil tiyak na kasundo din siya ng kaniyang Mommy pagdating sa fashion at mga adventures.
Comments
Loading…