in

“Almost Ready To Move In” Camille Prats Ipinasilip Ang Kaniyang Dream House Na 2 Years In The Making

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Super excited ang host at aktres na si Camille Prats habang nagkukwento sa kaniyang Youtube channel. Halos hindi na nga ito makapaghintay na makalipat sa kanilang bagong bahay na talaga namang pinagplanuhan at pinaglaanan nila ng panahon para maisakatuparan. Ayon sa aktres, hindi lang siya ang excited sa bagong blessing na ito kundi ang kaniyang buong pamilya.

Source: Camille Prats Instagram

Matatandaan na naabutan noon ng pand3mic ang konstrakyon ng kanilang bahay kaya namang naging ch@llenging din ito para sa kaniya at sa kaniyang asawa na si VJ Yambao. Hindi rin naging madali ang bawat proseso lalo na at maraming r€strictions noon at mga ipinatupad na pr0tocols na kailangang sunduin. At ngayon nga na natapos na itong mabuo, mga gamit nalang ang kulang at maari na itong matirahan ng pamilya nina Camille.

Source: Camille Prats YouTube

Sa kaniyang Youtube channel ay inilibot ng aktres ang mga netizens sa iba’t ibang lugar sa loob ng kaniyang bahay. Sa unang palapag ay makikita ang kanilang sala, dining at kitchen area. Samantalang sa ikalawang palapag naman ay doon ang kanilang family room, masters bedroom at balcony.

Source: Camille Prats YouTube

Gustong-gusto ni Camille na meron silang lugar sa bahay kung saan pwede niyang ma-enjoy ang magagandang tanawin at makapag-relax kahit na hindi na lumalabas.

Source: Camille Prats YouTube

Ipinakita din ng aktres ang walk-in closet at vanity area nila ng kaniyang mister. Samantala, mayroong ilang paboritong gamit sa loob ng bahay si Camille tulad nalang towel warmer na gustong-gusto niyang ginagamit at talagang required na dapat mayroon sa kanilang paliguan. Isa pa sa mga gusto niya ay ang smart lock sa pinto ng kanilang master’s bedroom.

Source: Camille Prats YouTube

Talaga namang malawak ang espeasyo at napakaganda ng Yambao house at ayon sa aktres naisakatuparan ang pangarap nila para sa pamilya dahil na rin sa pagtutulungan nilang mag-asawa. Samantala, malaking tulong din ang mga tao na kinuha ni Camille para matapos kaagad at maging matibay ang tinatawag nilang “home sweet home.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Robi Domingo Ibinahagi Ang Kanilang Napakagandang Farm Na Pinangalanang “Big Ben Farm”

Kilalanin Si Rambo Nuñez, Ang Fiancé Ni Maja Salvor Na Napakayaman Pala