Inaabangan ng marami ang bawat social media update ng batikang aktres na si Bea Alonzo. Ito ay dahil na rin sa magagandang lugar na kaniyang pinupuntahan at ilang nakakakilig na photos kasama ang kaniyang boyfriend na si Dominique Roque. Samantala, hindi rin pinapalagpas ng mga netizens ang pag-usisa sa bawat OOTD ng aktres na talaga namang bagay na bagay sa kaniya at pang-mayaman ang dating.

Sa katunayan, kamakailan lang ay muling pinagkaguluh@n ang outfit ni Bea sa kaniyang katatapos lang na Madrid trip noong nakaraang buwan. Halatang nag-enjoy ang aktres sa kaniyang pamamasyal abroad dahil sunod-sunod ang pagbabahagi niya ng mga larawan sa Instagram pati na sa kaniyang social media stories. Samantala, maliban sa masasarap na pagkain at magagandang tanawin ay agaw-pansin ang kaniyang white and blue OOTD.

Ayon sa mga fashion expert, nagkakahalaga ng umaabot sa 1.5 milyon pesos ang kabuuang suot at gamit ng aktres magmula ulo hanggang paa!

Unahin nalang ang kulas asul niyang blazer na Rotate Birger Christensen na nagkakahalaga ng umaabot sa 18,000 pesos. Ang inner white shirt naman ng aktres na partner ng kaniyang classic white jeans ay mula sa kilalang brand na Louis Vuitton. Ito ang Escale T-Shirt na nagkakahalaga ng mahigit sa 53,000 pesos.
Samantala ang suot namang stiletto boots ni Bea ay mula sa Balenciaga na kilala rin sa paggawa ng magagandang kaledad ng mga sapatos. Nagkakahalaga ito ng mahigit sa 54,000 pesos. Last but not the least ang white bag ng aktres na pure leather na mula din sa Louise Vuitton. Ito ang Capucines BB Taurillon Leather na nagkakahalaga ng mahigit sa 340,000 pesos!

Simple and classic ang dating ni Bea sa kaniyang overall OOTD at talaga namang nakakalula ang presyo ng kaniyang mga gamit. Ganoon pa man, nanatili pa rin itong humble at marami nga ang nagsasabi na sa kabila ng kaniyang katanyagan at estado sa buhay ay nanatiling maganda ang kaniyang pag-uugali at marunong makisama sa kapwa.
Comments
Loading…