in

CuteCute

“Baby Priority” Angeline Quinto Ipinasilip Ang Bagong Disenyo Ng Kaniyang Bahay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Excited na ang singer at aktres na si Angeline Quinto sa bagong yugto ng kaniyang buhay bilang isang Mommy!

Source: Angeline Quinto Instagram

Konting panahon nalang kasi ang kaniyang inaantay at hindi magtatagal ay masusulyapan na rin sa wakas ang sanggol na dinadala niya sa sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Bilang paghahanda ay sinisiguro ni Angeline na mayroon siyang sapat na ehersisyo at tamang pagkain upang hindi mahirapan sa araw ng panganganak.

Source: Angeline Quinto Youtube

Samantala, kabilang sa ginagawang paghahanda ay nagdesisyon ang aktres na ipa-renovate ang kaniyang bahay at gawin itong baby-friendly. Sa tulong nga ng interior designer na si Nicole Tan ay na-achieve ng 32-year old singer ang kaniyang dream home para sa kaniyang soon-to-have baby.

Source: Angeline Quinto Youtube

Ayon kay Angeline kailangan nilang mag-downsize at talagang ibahin ang interior design ng bahay dahil maraming areas dito ang delikado para sa bata. Tulad nalang ng mga railings sa hagdan na ngayon ay pinalitan na nila ng cute na harang.

Source: Angeline Quinto Youtube

“Homey and cozy talaga yung bahay na gusto natin for Angeline..”,pagbabahagi ni Nicole.

Aminado rin ang singer na marami siyang ginagawang live selling ngayon. Ito ay dahil kailangan niyang magbawas ng mga gamit na hindi nila priority ngayon at maaring makasikip lang sa espasyo lalo na ay magkakaroon na sila ng baby.

Source: Angeline Quinto Youtube

Sa kaniyang YouTube vlog ay makikita nga ang napakagandang transformation ng kaniyang bahay at ngayon ay neutral na ang interior colors nito. Baby-friendly rin ang set-up nito at pati mga furnitures ay malalambot din at walang matutuli$ na dulo. Mayroon ding sariling kwarto ang magiging anak ni Angeline at dito nakalagay ang isang malawak na crib na may pull-out bed.

Source: Angeline Quinto Youtube

Samantala, nasama na rin sa renovation ang ilang parte ng bahay tulad ng kusina at ang music room kung saan siya nagpapraktis ng pagkanta.

Source: Angeline Quinto Youtube

Sa ngayon ay handa na si Angeline sa pagsalubong sa kaniyang baby boy at pati nga mga netizens ay halos hindi na rin makapag-antay na makita ang anak ng kanilang iniidolong singer.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

OOTD Ni Bea Alonzo Sa Kaniyang Madrid Trip Umaabot Ng 1.5 Milyon Pesos!

Robi Domingo Ibinahagi Ang Kanilang Napakagandang Farm Na Pinangalanang “Big Ben Farm”