in

CuteCute LoveLove OMGOMG WTFWTF AngryAngry

Heart Evangelista Ibinahagi Ang Kaniyang Experience Bilang Isang Step Mom

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sanay sa glamorosang buhay ang fashion icon at actress na si Heart Evangelista at lumaki nga ito sa isang marangyang pamilya. Bata pa lang ay sumabak na rin siya sa mundo ng show business at hanggang ngayon nga ay patuloy na kinikilala sa mundo ng fashion at entertainment industry.

Source: Heart Evangelista Instagram

Ganito ang naging buhay ni Heart sa loob ng mahabang panahon. Nasanay siya na sarili lang ang inaalagaan at minsan ay mayroon pa ngang nag-aasikaso at tumutulong sa kaniyang mga pangangailangan. Ngunit lahat ng ito ay nag-iba nang mapangasawa niya ang p0litici@n na si Chiz Escudero.

Source : Chiz Escudero Instagram

Mayroong dalawang anak si Chiz bago pa man sila ikasal ni Heart. Masaya ang aktres sa pagkakaroon niya ng instant babies at sa katunayan ay madalas silang mag-bonding at marami ring bagay na pinagkakasunduan. Ngunit sa kabila nito ay aminado si Heart na hindi naging madali ang kaniyang ginawang adjustment. Sa katunayan madalas siyang umiyak noon at mayroon ngang pagkakataon na napapaisip siya kung ito ba talaga ang gusto niya sa buhay.

Source: Chiz Escudero Instagram

“Syempre dalawa yan yung isang kamay ni Chiz hawak ang isa yung isa naman sa isa. Ako naman nasa likod taga-bitbit ng paper bags.”, natatawang kwento ni Heart.

Ayon pa sa aktres, naging immature siya noon at sarili lang ang iniisip lalo na at nasa honeymoon stage pa sila noon ni Chiz. Ngunit habang tumatagal ay na-enjoy na niyang kasama ang mga bata at talaga namang pinapahalagahan niya ito ng sobra.

“I really love them so much and I treasure them that much.”, dagdag pa ni Heart.

Source: Chiz Escudero Instagram

Hindi man sariling anak ay naging malapit na ang loob ng aktres sa dalawang anak ni Chiz at handa siyang alagaan ang mga ito habang siya ay nabubuhay. Sa ngayon nga ay kasama nila ito sa bahay at madalas ding isinasama sa kanilang mga lakad bilang isang pamilya.

Source: Heart Evangelista Instagram

Talaga namang kahanga-hanga si Heart Evangelista dahil kahit anong sitwasyon ng buhay ang kaniyang pagdaanan ay nagagawa niya itong malagpasan in a fashionable and beautiful way.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Bea Alonzo Ipinakita Ang Napakagandang Gym Sa Loob Mismo Ng Kaniyang Bahay

OOTD Ni Bea Alonzo Sa Kaniyang Madrid Trip Umaabot Ng 1.5 Milyon Pesos!