in

OMGOMG

Bea Alonzo Ipinakita Ang Napakagandang Gym Sa Loob Mismo Ng Kaniyang Bahay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Alam ng bawat isa sa atin na mahalaga ang pagkakaroon ng magandang kalusugan at maayos na pangangatawan. Sabi nga nila ito ay maituturing na isang kayamanan. Sa kabila nito dahil sa pagiging busy, madalas hindi ito nagiging prioridad ng ilan sa atin. Ngunit nang magkaroon ng pand3miya, marami ang napukaw ang atensyon at ngayon nga ay naglalaan na talaga ng oras para maalagaan ang sarili.

Source: Bea Alonzo YouTube

Sa katunayan kahit mga celebrities ay naging health conscious na din at madalas ngang magbahagi ng kanila healthy routine sa social media. Isa na dito ang hinahangaang aktres na si Bea Alonzo.

Sa kaniyang Youtube vlog ay ipinasilip ng aktres ang gym area na ubod ng linis at ganda. Matatagpuan ito mismo sa sarili niyang bahay at ayon kay Bea newly renovated ang area na ito na dating family room.

Source: Bea Alonzo YouTube

Dahil hindi naman masyadong nagagamit ay nagdesisyon siyang gamitin ito para may lugar siya na makapag-ehersisyo. Halos bago lang din bago niya nakumpleto ang mga gym equipments tulad ng machine threadmill, weights, punching bag, exercise bike at iba pang gym essentials.

Source: Bea Alonzo YouTube

Maaliwalas ang lugar na ito dahil pwedeng buksan ang mga bintana sa paligid at makikita nga ang magandang view ng kanilang mini garden. Samantala, mayroon din ditong big flat screen na ginagamit ng aktres kapag manonood siya ng mga exercise tutorials tulad ng zumba.

Nagpalagay din si Bea ng bar table with stool para maging pahingahan at pwedeng kainan pagkatapos magwork-out. Samantala, nakadagdag pa ng ganda ang mga pailaw na nagpapalit-palit ang kulay. Katabi naman ng gym area ang mini room na ginagamit niya mag-yoga. Inayos mismo ni Bea ang lugar na ito para maging relaxing.

Source: Bea Alonzo YouTube

Talaga namang napakaganda ng naiisip ng aktres at ngayon ay very accessible na ang gym para sa kaniya. Isa nga ito sa pinagkakaabalahan at solusyon ng marami sa ating mga kababayan lalo na at hindi maiwasan na magsara ng ilang gym dahil na rin sa epekto ng pand3miya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Anne Curtis, Ipinasilip Ang Bahay Na Titirahan Ng Kaniyang Pamilya Sa Southern Manila

Heart Evangelista Ibinahagi Ang Kaniyang Experience Bilang Isang Step Mom