in

“Kami Naman” Celebrity Moms Isabelle, Anne At Solenn, Nag-Enjoy Sa Night Out Kasama Ang Mga Kaibigan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Madalas maubos ang oras ng mga nanay sa pag-aalaga ng mga bata at pag-aasikaso sa buong pamilya. Minsan nga ay nakakalimutan na nila ang para sa kanilang sarili o di kaya naman ay makipag-meet sa kanilang kaibigan at mag-relax kahit paminsan-minsan lang. Ngunit para sa IT girls na ngayon ay mga celebrity-moms na din, pwedeng-pwede pa din naman mag-party kasama ang mga kaibigan kahit mayroon ng mga anak.

Pinatunayan ito nina Isabelle Daza, Anne Curtis at Solenn Heussaff na kamakailan lang ay nagkipagkita sa ilan pa nilang mga kaibigan sa entertainment industry tulad ni Liz Uy. Isang girls night out ang nangyari at talaga namang nag-enjoy ang mga girls sa kanilang oras sa labas ng bahay. Sa katunayan, sunod-sunod ang pagbabahagi nila ng nakaka-aliw na IG stories at talaga namang ikinatuwa ito hindi lang ng mga netizens kundi pati na rin ng kanilang mga asawa.

Nangyari ang girls night-out pagkatapos ng kids party para sa anak ni Anne na si Dahlia at anak ni Liz na si Matthew. Halos sabay kasi ang birthday at Christening ng dalawa kaya sabay na rin itong ipinagdiwang ng mga kaibigan kasama ang ilan pa sa kanilang malalapit na pamilya. At dahil napagkasunduan nilang iwan muna pansamantala ang mga cute babies sa kanilang Daddies, agad na nagyaya ang mga girls na mamasyal sa labas at magkaroon ng mini drink party.

Samantala, nagbigay rin ng payo ang mga IT girls sa kapwa nila mommies at sinabing pwede naman silang makapag-relax kahit nasa loob lang ng bahay. Isa na nga dito ang panonood ng paboritong movie o K-drama series kapag tulog na si baby o di kaya naman ay magluto o mag-order ng paborito mong pagkain.

Talaga namang maraming paraan para mabawasan ang stress na dala ng pagiging isang ina. Isa na nga dito ang pagkikipagkita at pakikipag-usap sa mga kaibigan tulad nalang ng ginawa nina Anne, Isabelle at Solenn.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Katrina Halili Sa Palawan Titira Habang Nag-aantay Sa Contract Renewal Ng Kapuso Network

Anne Curtis, Ipinasilip Ang Bahay Na Titirahan Ng Kaniyang Pamilya Sa Southern Manila