in

Rico Blanco, Nagkwento Kung Papaano Nahulog Ang Loob Kay Mariz Racal

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pagdating sa usaping pag-ibig ay marami ang humahanga ngayon sa relasyon ng celebrity couples na sina Rico Blanco at aktres na si Mariz Racal. Hindi kasi pangkaraniwan ang kanilang kwento at hindi maiwasang ang iba ay magtanong kung papaano nga ba nabuo ang kanilang real-life love team.

Source: Facebook

Noong una ay hindi kaagad sinagot ng dalawa ang mga tanong ng netizens ngunit kamakailan lang ay masayang nag-kwento si Rico kung papaano nga ba nagsimula ang magandang relasyon nila ng aktres.

Pareho sila ng interes sa musika at nabigyan nga ng pagkakataon para makatrabaho ang isa’t isa. Dito sila nag-umpisang magsama halos araw-araw at nagkaka-usap din kahit na tapos na ang trabaho.

Source: Maris Racal Instagram

Halos magtatatlong taon na rin ang nakalipas simula nang mag-collab ang dalawa para sa single na “Abot Langit”. Nasundan pa ito ng ibang kanta tulad ng sikat ngayon na “Ate Sandali” at “Asa Naman”.

Ayon kay Rico noong una ay wala siyang r0mantic feelings sa aktres at focus lang talaga sila sa paggawa ng trabaho. Nabanggit din nito na sa tagal niya sa industriya ay malaki ang pagpapahalaga niya sa salitang “professionalism” at kahit nga very attractive na ang kaniyang nakakatrabaho ay hindi siya kaagad-agad nahuhulog sa mga ito.

Source: Maris Racal Instagram

“Definitely not when we were working on the song and recording. I take pride kasi in my professionalism in the studio…So i think it was after we were d0ne working on the s0ng.”, kwento ng song-writer.

Mas nakilala niya si Mariz noong tapos na trabaho at doon niya nakita na “good vibes” itong kasama. Sa katunayan isa ito sa mga qualities ng dalaga at dahilan kung bakit na-inlove sa kaniya si Rico. Sobrang natutuwa siya kapag kasama niya ang aktres at sa tagal ng kanilang pag-uusap ay mas lalo niya itong nagugustuhan.

Source: Facebook

Dahil dito ay walang pag-aalinlangan siyang nagdesisyon na isapubliko ang relasyon nila kahit na posibleng hindi ito tanggapin ng mga fans ng aktres. Ngunit kabaliktaran nga ang nangyari at ngayon ay marami ang kinikilig sa kanilang dalawa.

Talaga namang age doesn’t matter pagdating sa pag-ibig at mas lalo pa itong napapaganda kapag sinamahan mo ng musika.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Babaeng Nasa Edad Na 16 Ay Double Degree Holder Na!

Katrina Halili Sa Palawan Titira Habang Nag-aantay Sa Contract Renewal Ng Kapuso Network