in

Katrina Halili Sa Palawan Titira Habang Nag-aantay Sa Contract Renewal Ng Kapuso Network

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nakapagdesisyon na ang aktres na si Katrina Halili na bigyan ng quality time ang kaniyang pamilya lalong-lalo na ang anak na si Katie. Napagtanto niyang napapabayaan niya na ang bata dahil subsob siya sa trabaho lagi nalang itong naiiwan sa kanilang kasambahay.

Source: Katrina Halili Instagram

Halos 18 years na din si Katrina sa industriya ng showbiz at araw-araw nga siyang nagtatrabaho simula ng mabigyan ng break. Isa siya sa 1st batch ng Kapuso reality show na “Starstruck” at sa loob ng mahabang panahon ay nasanay na rin siya sa napiling career. Sa kabila ng pagod at puyat ay nai-enjoy ni Katrina ang kaniyang ginagawa at nagpahinga nga lang siya noon matapos ipanganak si Katie.

Source: Katrina Halili Instagram

Lubos ngang nagpapasalamat ang aktres sa mga opportunities na ibinigay sa kaniya ng network. Samantala, alam ni Katrina na hindi pang habang-buhay ang pag-aartista kaya naman nag-aral siya noon ng iba pang mga kurso bilang parte ng kaniyang back-up sakali mang mawalan siya ng projects.

Source: Katrina Halili Instagram

Samantala, ngayon ay nasa Palawan si Katrina kasama ang kaniyang anak at pamilya. Ayon sa isang interview, doon muna mamalagi ang aktres habang nag-aantay sa renewal ng kaniyang kontrata sa Kapuso network.

Source: Katrina Halili Instagram

“Nagpaalam muna ako sa GMA till August…Kung may project pa sila for me, kasi may contract ako till October pa sa kanila…Kung wala na, mananahimik na ako dito.”, pahayag ng bida-kontrabida actress.

Hindi nga maikakaila na maraming industriya ang naapektuhan noon ng pand3miya at isa na dito ang mga TV networks at mga artista. Kaya naman handa na rin si Katrina sakali mang hindi na ma-renew ang kaniyang kontrata. Plano niya na magtayo ng isang food business at ngayon pa lang ay nagsisimula na siyang magluto at mag-bake.

Source: Katrina Halili Instagram

Tuwang-tuwa naman ang anak niyang si Katie sa isla ng El Nido, Palawan at dito na rin siguro ito mag-aaral dahil ayon sa aktres ay Grade 3 na ito sa pasukan. Samantala, gusto din ni Katrina na matutukan ang pag-aalaga dahil na di@gn0se ito na mayroong m!ld @$D.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Rico Blanco, Nagkwento Kung Papaano Nahulog Ang Loob Kay Mariz Racal

“Kami Naman” Celebrity Moms Isabelle, Anne At Solenn, Nag-Enjoy Sa Night Out Kasama Ang Mga Kaibigan