in

“On My Way Home, Honey!”Richard Gomez Hindi Napigilang Magkomento Sa IG Post Ni Lucy Torres

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bilang mga kilalang personalidad ay bukas sa publiko ang mag-asawang Richard At Lucy Torres- Gomez at pati nga ang kanilang pagmamahalan ay hindi rin nila ipinagkakait na maramdaman ng mga fans.

Source: Lucy Torres-Gomez Instagram

Sa katunayan, noon pa man kahit na sikat na artista si Goma ay hayagan niyang ipinakilala si Lucy sa publiko. Madalas nitong isama ang asawa sa kaniyang mga lakad at hindi rin nagpapahuli sa pag-post sa social media ng ilan sa kanilang mga sweet moments. Kahit busy ang schedule ng dalawa ay talaga namang mayroon silang quality time sa isa’t isa lalo na pagdating sa kanilang nag-iisang anak na babae.

Source: Lucy Torres-Gomez Instagram

Halos lahat nga ng kanilang mga larawan ay talaga namang pinupusuan ng mga fans. Samantala, mayroong isang espesyal na IG post si Lucy na nakahuli kaagad ng atensyon ni Goma sa kabila ng pagiging abala nito sa trabaho bilang Mayor ng Ormoc City.

“Summer in November.”, caption ni Lucy sa kaniyang larawan na naka-swimsuit at habang nasa isang magandang beach.

Source: Lucy Torres-Gomez Instagram

Dinagsa nga ito ng reaksyon mula sa mga netizens at hindi rin papahuli ang mga komento ng kaniyang kaibigan na very supportive. Ngunit ang talaga namang nakakatuwang komento ay mula kay Richard at marami ngang mga lalaki ang naka-relate dito.

Source: Lucy Torres-Gomez Instagram

“On my way home, honey!.”, pily0ng komento ng aktor.

Kahit nga sa social media ay hindi pa rin mapigilan ang kulitan at pagiging sweet ng dalawa at isa ito sa mga nagustuhan ng tao. Sa katunayan isa ang pamilya nina Richard at Lucy sa talaga namang hinahangaan. Nagsisilbi rin kasi silang huwaran sa karamihan lalong-lalo na pagdating sa pagpapakita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Source: Lucy Torres-Gomez Instagram

Ikinasal sina Richard at Lucy noong April 8,1998 at una silang nagkakilala sa isang shampoo commercial noong 1993. Hanggang ngayon nga makalipas ang ilang dekada ay nanatili pa ring matatag ang pagsasama ng dalawa sa kabila ng mga pagsubok na kanilang hinarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Judy Ann Santos, Ibinahagi Ang Kaniyang Sweet Birthday Message Para Kay Ryan Agoncillo “My Life, My Heart, My Soul”

Kilalanin Ang Babaeng Nasa Edad Na 16 Ay Double Degree Holder Na!