in

Kilalanin Ang Babaeng Nasa Edad Na 16 Ay Double Degree Holder Na!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kung pag-aaral ang pag-uusapan, siguradong hindi lahat ng kabataan ay gusto yan lalo na at bawat isa sa atin ay mayroong kani-kaniyang hilig at gustong gawin. Ngunit kakaiba ang isang dalagang ito na sa murang edad ay marami na ang natutunan pagdating sa akademiya.

Source: Joys David Instagram

Siya ay walang iba kundi si Joyce David na hinahangaan ngayon ng mga netizens. Paano naman kasi hindi na siya dumaan ng highschool at simula elementary ay diretso na kaagad ito sa kolehiyo!

Source: Joys David Instagram

Si Joyce ay isang Filipino-American at nakatira siya ngayon sa California. Ang kwento ay naibahagi sa segment ng Eat Bulaga na “B@wal Ang Judgemental”.

“I started college at 11…I just graduated last 2020.”, kwento ng dalaga sa mga Dabarkads.

Samantala, hindi lang ito ang nakakamangha kay Joyce dahil sa halip na isang kurso ay dalawa ang kinuha nitong degree sa kolehiyo!

“I took them at the same time, so I finished at the same time.”, dagdag pa ni Joyce.

Source: Eat Bulaga

Halos hindi nga makapaniwala ang host at komedyante na si Vic Sotto dahil madalang ka lang makakita ng ganitong klase ng estudyante. Kahit nga mga Dabarkads ay napa-wow din sa dalaga at na-curios kung papaano siya na-accelerate.

Ayon kay Joyce hindi normal sa Amerika na mag-college ka kaagad sa edad na 11 years old dahil kasama sa curriculum nila ang pagdaan sa highschool. Ngunit mayroong isang programa sa kanilang lugar na kapag nakapasa ka sa ibinigay na exam ay makakakuha kana agad ng Highschool diploma.

Source: Eat Bulaga

Hindi nga ito pinalagpas ni Joyce at sa suporta na rin ng kaniyang mga magulang ay nagawa niyang makapasa dito at nagtuloy-tuloy na nga sa kolehiyo. Samantala nabanggit din niya na bata palang ay goal-driven na siya.

Talaga namang amazing ang kwento ni Joyce at sabi niya nga wala namang magic sa pag-abot ng pangarap. Lahat ng ito ay kailangan mo talagang paglaanan ng oras at dedikasyon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“On My Way Home, Honey!”Richard Gomez Hindi Napigilang Magkomento Sa IG Post Ni Lucy Torres

Rico Blanco, Nagkwento Kung Papaano Nahulog Ang Loob Kay Mariz Racal