in

Judy Ann Santos, Ibinahagi Ang Kaniyang Sweet Birthday Message Para Kay Ryan Agoncillo “My Life, My Heart, My Soul”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maituturing na isang biyaya mula sa Maykapal ang pagkakaroon ng partner sa buhay na mamahalin mo at makakasama habang-buhay. Isang tao na karamay mo sa lahat ng oras at kasama mong bubuo ng mga pangarap. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong klaseng pagkakataon kaya naman kapag dumating na si “The One” ay talaga namang dapat itong ingatan.

Source: Judy Anne Santos Instagram

Ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ay isa sa mga halimbawa nito at sa tagal nga ng kanilang pagsasama ay nanatili pa ring matatag ang kanilang relasyon. Pag-ibig ang patuloy bilang pinapairal sa kanilang relasyon at kahit nga sa social media ay hindi sila nag-aatubili na maipakita ang kanilang pagmamahalan.

Source: Judy Anne Santos Instagram

Sa katunayan, isa na namang sweet message ang ibinahagi ng aktres sa kaniyang social media account bilang pagbati sa ika-43rd birthday ng kaniyang asawa.

““My life, my heart, my soul.. a wonderful father to our 3 beautiful, amazing children.”, bungad ni Juday.

Hindi niya mapigilang ipahayag ang lubos niyang pagpapasalamat sa Panginoon dahil si Ryan ang ibinigay sa kaniya bilang partner sa buhay. Itinuturing niya nga itong biyaya at wala ng iba pang mahihiling.

Source: Judy Anne Santos Instagram

“You are and will always continue to be Gods biggest blessing.. I love you forever.”, dagdag pa ng aktres

Naging speechless naman si Ryan at heart emoji ang naging komento sa sweet message ng kaniyang asawa. Samantala, sunod-sunod na mensahe at pagbati naman ang naging komento ng mga netizens at kaibigan nina Juday at Ryan.

Source: Judy Anne Santos Instagram

Masaya ngang ipinagdiwang ng mag-asawa ang isang espesyal na araw kasama ang kanilang mga anak. Matatandaan na unang nagkita ang dalawa noong 2001 at sa mga series of interviews ay nabanggit ni Ryan na si Juday ang missing piece sa kaniyang buhay samantalang para namang sa aktres ang asawa niya ngayon ang isa sa kaniyang answered prayer.

Source: Judy Anne Santos Instagram

Talaga namang napakaganda ng pagsasama ng dalawa na mas lalo pang pinagtibay simula nang ikasal sila noong taong 2009.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

First Time! Alex Gonzaga, Ipinasilip Ang Modern House Ng Kaibigang Si Yassi Pressman

“On My Way Home, Honey!”Richard Gomez Hindi Napigilang Magkomento Sa IG Post Ni Lucy Torres