in

First Time! Alex Gonzaga, Ipinasilip Ang Modern House Ng Kaibigang Si Yassi Pressman

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

“Good vibes” ang laging hatid ng aktres at social media influencer na si Alex Gonzaga. Halos lahat nga ng content niya sa YouTube ay talaga namang nagbibigay aliw sa mga netizens. Samantala, maliban sa paggawa ng vlogs at short film ay nahihilig din siyang mag-house raid sa mga kakilala niyang artista tulad nalang ng matalik niyang kaibigan na si Yassi Pressman.

Source: Google

First time na makikita ng mga netizen ang buong bahay ng “Ang Probinsiyano” star at exclusive lang itong mapapanood sa vlog ni Alex. Hindi nga siya nag-dalawang isip nang tawagan ng kaibigan para sa segment na ito.

Source: Google

Malaki ang bahay ni Yassi at malawak ang espasyo nito. Kapansin-pansin naman na mahilig talaga sila sa art ng kaniyang kapatid na si Issa at halos lahat sa paligid ng bahay ay mayroong art pieces. Ilan na dito ang mga pillow cases na mismong si Issa ang nagdesign at hindi rin mabilang ang mga paintings na nakatago pa sa isang kwarto.

Samantala, millennial home ang tawag ni Alex sa bahay ni Yassi dahil swak na swak ito sa taste ng mga kabataan ngayon. Mayroon silang theater room na very cozy dahil isang malawak na kutson ang pwede mong higaan habang nanonood sa napakalaking projector screen.

Source: Facebook

Ipinakita din ni Yassi ang ilan sa kanilang mga alagang hayop tulad ng aso at ahas na bumida pa sa vlog ni Alex.

Hindi naman pinalagpas ng vlogger na makita ang outdoor bonding area nina Yassi na very modern ang dating. Mayroon itong sariling kitchen area at ang nakaagaw ng pansin ni Alex ay ang modernong palikuran. Salamin ang mga pader nito at voice controlled din tulad ng iba pang gamit sa bahay. Maaliwalas ang outdoor area dahil mayroon ditong mini garden at iba pang halaman.

Source: Facebook

Talaga namang nakakamangha ang sariling bahay ni Yassi at proud siya sa kinalabasan nito dahil silang dalawa ni Issa ang nagtulungan para mas lalo itong mapaganda.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Unexpected Blessing” Donita Rose, Ipinakilala Ang Kaniyang Bagong Boyfriend!

Judy Ann Santos, Ibinahagi Ang Kaniyang Sweet Birthday Message Para Kay Ryan Agoncillo “My Life, My Heart, My Soul”