in

“Unexpected Blessing” Donita Rose, Ipinakilala Ang Kaniyang Bagong Boyfriend!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Noon pa man ay masiyahin na ang aktres at VJ na si Donita Rose at isa nga ito sa mga katangian na nagustuhan sa kaniya ng mga fans. Isa rin siya sa mga kilalang celebrities noon at hindi rin maikakaila na marami ang nagkakagusto sa kaniya. Ngunit dahil sa ilang pangyayari ay napilitan si Donita na lisanin ang show industry at nagpunta sa Amerika. Nagpapasalamat nga siya dahil nandoon din ang kaniyang ina na nagtatrabaho bilang guro at ito ang tumulong sa kaniya para makabawi ulit.

Source: Donita Rose Instagram

Doon ay walang ginawa ang dating aktres kundi ang magtrabaho at mas lalo pang pagbutihin ang hilig niya sa pagluluto. Nag-aral pa nga si Donita para madagdagan ang kaniyang kaalaman bilang isang chef. Nagbunga naman ang kaniyang mga paghihirap at nagkaroon siya ng pagkakataon na magtrabaho sa isang malaking restaurant na pagmamay-ari rin ng isang Pilipino.

Source: Felson Palad Instagram

Samantala, matagal na ngang walang lovelife si Donita at naka-focus nga sa kaniyang career. Ngunit kamakakailan lang ay isang magandang balita ang ibinahagi niya sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.

“I think it’s safe to say I’m seeing someone…”, caption ng dating aktres sa isang larawan kung saan makikitang mayroon siyang kasamang lalaki.

Source: Felson Palad Instagram

Dahil nga dito ay inulan siya ng komento at halos lahat sa mga netizens ay gustong malaman kung sino ba ang lalaki na nagpapatibok ng puso ni Donita. At matapos nga ang ilang araw ay nag-face reveal na ang aktres at nabanggit niya rin kung ano pangalan ng bago niyang partner.

Source: Felson Palad Instagram

Siya ay walang iba kundi si Felson Palad na isang professional singer. Maliban dito ay isa rin siyang song writer at musical director. Isa ito sa mga katangian na talaga namang nagustuhan ni Donita lalo na at mahilig din siya sa musika.

“Life is short, we need to believe and know Jesus and fall in love with a person who loves more the Lord than you.” caption naman ni Felson sa kaniyang Instagram post kung saan kasama niya ang dating aktres.

Source: Donita Rose Instagram

Samantala, hindi naman maiwasan ng kaniyang mga fans na kiligin at kahit nga mga kaibigan ni Donita sa showbiz ay super happy para sa dating aktres.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Road To Graduation” Sharlene San Pedro, Natapos Na Ang Kaniyang Thesis Defense!

First Time! Alex Gonzaga, Ipinasilip Ang Modern House Ng Kaibigang Si Yassi Pressman