in

LoveLove CuteCute

Aktres Na Si Anna Vicente Agad Na Ipinakilala Ang Bagong Silang Na Kambal!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Walang mapagsidlan ang saya na nararamdaman ngayon ng Kapuso aktres na si Anna Vicente matapos maging matagumpay at ligtas ang kaniyang panganganak sa kambal na anak. Matatandaan na nitong taon lang din ay ibinahagi ng aktres ang kaniyang masayang pregnancy journey kasama ang non-showbiz partner na si Paolo Mercado.

Halos lahat nga ay nakaabang sa kaniyang social media updates at excited na makita ang mukha ng kaniyang mga anak. Kaya naman pinagbigyan ni Anna ang mga netizens at agad ngang ipinakilala ang mga sanggol sa pamamagitan ng isang Instagram post.

“Surprise! Here they are finally! My biggest blessings came earlier than expected.”, caption ng aktres.

Ayon sa kwento ni Anna, mas maagang lumabas ang kambal kumpara sa nakatakda nitong due date kaya naman kinailangan siyang sumailalim sa isang CS 0perati0n. Noong nakaraang February 23 lumabas ang kambal at abot-langit ang saya ng 23-year-old actress dahil nabigyan agad siya ng pagkakataon na maging isang ina. Doble nga ang biyaya na kaniyang natanggap dahil hindi niya akalain na kambal pala ang dinadala niya sa kaniyang sinapupunan.

“From the moment I found I was pregn@nt, I knew that this would be the best journey of my life.”, dagdag pa ni Anna.

Samantala, all-out naman ang suporta sa kaniya ni Paolo at kasama niya ito sa operati0n. Lubos silang nagpapasalamat sa mga staff ng Makati Medic@l Center na gr@be ang pag-alaga kay Anna at pati na rin sa dalawang bagong silang na sanggol. Hindi rin nila nakalimutang pasalamatan ang lahat ng tao na walang sawa sa pagkamusta sa kanilang sitwasyon at sa mga hindi tumigil sa panalangin patungkol sa kanilang kaligtas@n.

“Everything went by really really fast…when I heard them [cry] for the first time when I first held them in my arms. the best feeling ever! I never knew I could love someone so much that it hurts ( in a good way )”, kwento pa ng new celebrity-mom.

Talaga namang isang napakagandang biyaya para sa mga ina ang magsilang ng sariling anak at makita ang magandang resulta ng kanilang paghihir@p.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Hipon Girl” Herlene Bud0l Umiy@k Matapos Mabili Ang Kaniyang Kauna-unahang Sasakyan!

“Road To Graduation” Sharlene San Pedro, Natapos Na Ang Kaniyang Thesis Defense!