in

LoveLove CuteCute OMGOMG LOLLOL

Aktres Na Si Alexa Ilacad, Nagtapos Ng Kolehiyo With Flying Honors!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa na namang achievement in life ang nakamit ng aktres at singer na si Alexa Ilacad. Ito ay matapos niyang makumpleto ang kinuhang kurso sa kolehiyo sa kabila ng pagiging abala niya sa trabaho.

Source: Alexa Ilacad Instagram

Hindi nga maikakaila na marami siyang pinagdaanang pagsubok at hirap bago nakamit ang pangarap at ang bagay na ito ay hayagang ibinabahagi ng aktres sa publiko. Sa katunayan, kahit nasa loob siya ng PBB house ay ipinagpapatuloy niya pa rin ang pag-aaral.

Source: Alexa Ilacad Instagram

Matatandaan na noon ay nabanggit ni Alexa na kumuha siya ng Bachelor’s Degree in Marketing sa Treston International College. At simula nito ay wala siyang inaksayang oras para masiguradong maganda ang kahihinatnan ng kaniyang mga paghihirap.

Sa katunayan, lubos siyang hinangaan ng mga netizens dahil nagtapos siya na mayroong General Weighted Average (GWA) na 1.0. Maliban dito ay napabilang pa siya sa mga Dean’s Lister ng kanilang klase.

Source: Alexa Ilacad Instagram

Talaga namang beauty ang brain itong si Alexa at dahil nga sa kaniyang social media post ay inulan siya ng papuri at pagbati mula sa kaniyang malalapit na kaibigan at mga fans.

“Still my greatest achi3vementt!! I have nothing but gratitude in my heart…”, pagbabahagi ng aktres.

Source: Alexa Ilacad Instagram

Lubos niyang pinasalamatan ang lahat ng mga professor niya pati na rin ang mga kaklase na nagbigay kulay sa kaniyang college life. Hindi rin nakalimutan ni Alexa ang kaniyang mga magulang at pamilya na laging all-out ang support sa lahat ng gusto niyang gawin sa buhay. Sa katunayan, sila ang mga unang naniwala at fans niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz career sa murang edad.

Source: Alexa Ilacad Instagram

Samantala, isang naging usap-usapan rin ang simpleng komento ni KD Estrada, ang binata na ngayon ay mayroong malapit na relasyon sa aktres.

Source: Alexa Ilacad Instagram

Nakakatuwa ngang makita ang mga kabataan na talaga namang nagbibigay ng pagpapahalaga sa pag-aaral. Tulad nalang ni Alexa Ilacad na sa kabila ng kaniyang magadang estado sa buhay ay naglaan pa rin ng oras para makapagtapos sa kolehiyo at makamit ang pangarap na kurso.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Awra Briguela, Maladiyosa Ang Ganda Sa Kaniyang 18th Birthday Celebration!

Rayver Cruz, Nabili Na Ang Dream House Na Alay Sa Kaniyang Yuma0ng Ina