in

Kim Chui, Nagpagawa Ng Bagong Home Office Studio!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa kabila ng pagiging abala niya sa trabaho ay hindi pa rin nawawala sa aktres na si Kim Chui ang pag-aasikaso ng ibang bagay tulad nalang ng renovation ng kaniyang bahay. Sa kaniyang Youtube channel ay ibinahagi ng singer kung papaano nag-transform ang dating walk-in closet na ngayon ay isa ng home office studio!

Source: Kim Chui Vlog

Ito ang naging desisyon ni Kim bilang pag-adapt niya sa new normal lalo na at nauuso na ngayon ang mga zoom meetings at virtual nalang halos ang karamihan sa ginagawang pag-uusap ng kaniyang team. Madalas din siya sa harapan ng camera at laptop para gumawa ng content sa iba’t ibang social media platform.

Source: Kim Chui Vlog

“So I decided na ‘yung closet ko, ‘yung mga luma kong clothes ay pinamigay na namin. ‘Yung iba tinago ko but mostly wala na sila. So now, ginawa ko na siyang home office studio.”, kwento niya.

Source: Kim Chui Vlog

Samantala, very proud naman ang aktres dahil isa ring Cebuana kagaya niya ang nag-disenyo ng kaniyang opisina. Ito ay walang iba kundi ang interior designer na si Miss Janet Lee of Janet Lee Designs, best friend din ng ate ni Kim.

Source: Kim Chui Vlog

Pagpasok sa studio ay makikita ang dalawang malaking picture ng aktres na kuha sa ilang magazine covers. Makikita din dito ang isang flower painting at ilan pang bulaklak at mga collection niya ng pabango. Katabi nito ang isang napaka-lambot na sofa kung saan pwedeng mag-relax si Kim habang nagi-edit ng mga videos.

Source: Kim Chui Vlog

Kagaya nga ng tipikal na home office ay mayroong sariling desk ang aktres kung saan naka-display ang kaniyang mga notebook at ballpen. Mayroon din siyang glass weekly planner board kung saan niya inilalagay ang mga importanteng schedule niya.

Source: Kim Chui Vlog

Samantala, nagpalagay din si Kim ng sarili niyang refrigerator at snack area sa kaniyang opisina dahil gusto niya na halos lahat ng kailangan ay nandito na sa loob ng kaniyang kwarto. Nakakadagdag din ito ng oras para mas lalo siyang maging productive at mas maagang matapos ang mga trabaho sa loob ng isang araw.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“We’re in a happy place right now. ” Donny Pangilinan Inamin Na Mas Nagiging Close Sila Ni Belle Mariano

Awra Briguela, Maladiyosa Ang Ganda Sa Kaniyang 18th Birthday Celebration!