in

LoveLove OMGOMG AngryAngry CuteCute

Awra Briguela, Maladiyosa Ang Ganda Sa Kaniyang 18th Birthday Celebration!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang biyaya na maituturing ang pagsapit ng ating mga kaarawan lalo na sa panahon ngayon na mayroong malawakang banta sa ating kalusugan. Karamihan nga sa atin ay lubos na nagpapasalamat sa panibagong taon na nadagdag sa ating buhay at sa kabila ng mga pagsub0k ay nanatili tayong malakas at nakakapagtuloy. Ganito ang naramdaman ng young comedian na si Awra Briguela nang kamakailan lang ay ipagdiwang niya ang kaniyang 18th birthday.

Source: Awra Briguela Instagram

Bonggang-bongga ang nasabing party at star-studded din ang mga guest dito. Samantala, kapansin-pansin naman ang iba’t ibang klase ng mga bulaklak na nagpaganda sa lugar at background sa entablado.

Source: Awra Briguela Instagram

Gawa ito ng Ginger Events Styling at talaga namang naging instant paraiso ang event center. Kapansin-pansin naman ang mga paru-paro sa paligid at special request ito ng comedian dahil isa ito sa kaniyang mga paborito. Syempre hindi rin mawawala sa espesyal na okasyon ang mga lobo, cake at masasarap na pagkaing inihain para sa mga bisita.

Source: Awra Briguela Instagram

Marami ang nakapansin na blooming ngayon si Awra at mala-dyosa nga ang dating niya sa suot na vibrant blue mini gown. Bumagay din sa kaniyang outfit ang simpleng hairdo na nilagyan ng mga kumikinang na brillantes kaya nagmukha itong paru-paro. Samantala, simple lang ang kaniyang make-up at ang mas lalong umangat ay ang mga suot niyang accessories na sa unang tingin pa lang ay mamahalin na.

Source: Awra Briguela Instagram

Samantala, hindi ito papakabog sa paggawa ng kaniyang debut photoshoot at sa tulong ng kaibigan at photograper na si Alan Segui ay naisagawa niya ang isang dreamy-floral photoshoot. Para naman ma-achieve ang mga gusto niyang looks ay nagtulungan sina Marina Summers at Prince Marrell. Parang Hollywood actress nga ang dating ni Awra sa kaniyang mga pictures lalo na at talaga namang na-master na niya ang pag-awra sa harapan ng camera.

Source: Awra Briguela Instagram

“Grateful for small things, big things and everything in between.”, caption niya sa kaniyang mga Instagram photos.

Talaga namang super blessed si Awra at bago nga sumapit ang kaniyang 18th birthday ay naisakatuparan na ang isa sa kaniyang mga pangarap – ang maging celebrity balang-araw.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kim Chui, Nagpagawa Ng Bagong Home Office Studio!

Aktres Na Si Alexa Ilacad, Nagtapos Ng Kolehiyo With Flying Honors!