in

LoveLove

“We’re in a happy place right now. ” Donny Pangilinan Inamin Na Mas Nagiging Close Sila Ni Belle Mariano

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga kinakikiligang love team ngayon ay ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano. Binansagan sila ng mga millennials na “DonBelle” at talaga namang inaabangan ang mga ginagawa nilang projects sa entertainment industry. Isa na nga dito ang series na “He’s into Her” na mapapanood din sa Netflix.

Source: Donny Pangilinan Instagram

Aminado ang dalawa na noong una ay nahihiya silang i-approach ang isa’t isa lalo na at unang pagkakataon palang nila na magkakatrabaho. Ayon sa aktres, akala niya ay masungit si Donny at baka hindi niya ito makausap pagkatapos ng mga shooting. Ngunit kabaliktaran ang nangyari at hindi nila akalain na halos pareho pala sila ng ugali.

Source: Belle Mariano Instagram

“Nung una natatakot akong lumapit sa kaniya kasi baka di ko siya makausap, ganyan. Pero sobrang opposite. Sobrang approachable niya and he is super nice.”, kwento ni Belle.

Source: Belle Mariano Instagram

Samantala, marami ang nakakapansin sa magandang samahan ng dalawa at talaga namang nakaka-kilig ang kanilang chemistry. Dahil nga dito ay hindi maiwasan ng kanilang fans na umasang mayroong espesyal na namam@gitan sa kanilang mga idolo. Mas lalo pa ngang tumindi ang kanilang hinala dahil sa mga sagot ni Donny at Belle sa ilang interviews.

Source: Donny Pangilinan Instagram

“Every time na nag-ku-cut nagku-kuwenthan pa rin kami and we talk about each other’s lives. Even the stuff we’re going through.”, kwento naman ng aktor.

Sa isang panayam sa kaniya ng news anchor na si Karen Davila ay inamin ni Donny na mas lalo siyang napapalapit sa dalaga habang mas nakikila niya ang pagkatao nito.

Source: Belle Mariano Instagram

“Belle and I are in a happy place right now. We’re very grateful for our situation and blessed to be an inspiration to many people, hopefully.”, sagot ng aktor nang tanungin kung ano ang estado ng relasyon nila ni Belle.

Masaya nga ang dalawa sa nagiging takbo ng kanilang career sa showbiz at bonus pa dahil natagpuan nila ang tunay na kaibigan sa isa’t isa. Sa katunayan, magkasama nilang hinaharap ang mga pagsub0k na kanilang pinagdadaanan lalo na pagdating sa pag-handle ng mga negatibong komento sa kanila at sa kanilang trabaho.

Source: Belle Mariano Instagram

Sa tingin ninyo may chance ba na maging magkasintahan sina Donny at Belle sa totoong buhay?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Mommy’s Day Out” Elise Joson At Sofia Andres Nagbonding Kasama Ang Mga Chikiting!

Kim Chui, Nagpagawa Ng Bagong Home Office Studio!