in

“Mommy’s Day Out” Elise Joson At Sofia Andres Nagbonding Kasama Ang Mga Chikiting!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kung dami lang naman ng trabaho ay tiyak na tsek na tsek dyan ang mga Nanay na halos all-around na sa pag-aalaga ng pamilya at ang ilan nga ay naghahanap pa ng mapagkakakitaan. Maliban nga sa mga gawaing bahay ay abala rin sila sa pag-aasikaso ng mga bata. Kaya naman deserve na deserve din nila ang bakasyon at pagkakaroon ng oras para makapag-relax. Ngunit ang pag-aalala ng marami, mahirap bumyahe at mag-enjoy kapag kasama ang mga bata.

Source: Elisse Joson Instagram

Samantala, pinatunayan ng BFF at parehong celebrity mommy na sina Elise Joson at Sofia Andres na hindi naman ganoon kahirap isama ang mga chikiting sa pamamasyal. Kailangan lang talaga ng pasensya at plano para maging maganda ang kalalabasan ng inyong outing. Sa katunayan, kamakailan lang ay nag-bonding ang dalawa at isinama nila ang kanilang super cute na babies.

Source: Elisse Joson Instagram

“off-duty momshies”, caption ni Elise sa kaniyang Instagram post kung saan makikitang kasama niya si Sofia suot ang kanilang beach outfits.

Source: Elisse Joson Instagram

Kapansin-pansin nga na na-enjoy nila ang muling pagkikita lalo na at hindi rin sila gaanong nakakapag-usap dahil sa pagkakaroon ng busy na schedule. Si Elise ay nag-aaral din ngayon habang pinagsasabay ang trabaho at pag-aalaga sa kaniyang baby na si Felize. Halos ganito din ang sitwasyon ni Sofia kaya naman nagdesisyon silang lumabas saglit para makapag-unwind.

Source: Elisse Joson Instagram

Mukhang super happy din ang dalawa nilang anak at tila ba matagal ng magkakilala sina Zoey at Felize dahil palagay na ito sa isa’t isa at hindi nag-a@way. Magkatabi pa nga sila sa isang kotse at sobrang cute sa kanilang OOTD.

Samantala, hindi naman mapigilan ng mga netizens na magkomento sa social media post ng dalawang mommy at na-inspire ang ilan at excited na ring magkaroon ng playdate kasama ang kanilang mga kumare at anak.

Source: Sofia Andres Instagram

Talaga namang ang tunay na kaibigan ay laging nariyan kahit na hindi mo laging nakakasama. Tulad nalang ng magkaibigang Elise at Sofia na kahit ilang taon ring nagkalayo ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal at suporta nila sa isa’t isa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dimples Romana, Still Blooming Kahit Preggy

“We’re in a happy place right now. ” Donny Pangilinan Inamin Na Mas Nagiging Close Sila Ni Belle Mariano