in

LoveLove

Dimples Romana, Still Blooming Kahit Preggy

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Walang mapaglagyan ang saya ng 37-year old actress sa kaniyang blessing na natanggap ngayong taon. Sa loob kasi ng mahabang panahon ay muli siyang binigyan ng pagkakataon para magdalantao at isa ito sa mga gustong-gusto nila ng asawa na si Boyet Ahmee.

Source: Dimples Romana Instagram

Noong nakaraang linggo ay ibinahagi niya sa publiko ang magandang balita at makalipas nga ang ilang araw ay nalaman na nila ang magiging kasarian ng bata. Dahil dito ay agad na nagsama-sama ang mga malalapit na kaibigan ng aktres at nag-arrange sila ng isang gender reveal party.

Source: Dimples Romana Instagram

Nangyari ito noong Linggo, March 27 at neutral ang naging tema ng mga decorations pati na rin ang OOTD ng mga bisita. Hindi mawawala dito ang mga balloons and flowers na mas lalo pang nagpaganda sa lugar. Samantala, present din sa event ang bestfriend ni Dimples na si Angel Locsin kasama ang partner na si Niel Arce.

Source: Dimples Romana Instagram

“It’s a boy!”, pagbabagi ng aktres sa kaniyang social media.

Maliban sa pagdalo ng pamilya at kaibigan ni Dimples ay naging star- studded ang event at ilan nga sa mga nandoon ay sina Janus del Prado, Sue Ramirez, and Kaila Estrada.

Present din sina Lara Quigaman, Marco Alcaraz, Kim Molina at Jerald Napoles kasama sina Dominic Ochoa, Miles Ocampo, Adrian Lindayag, Miko Raval, Aljon Mendoza, at Karina Bautista.

Source: Dimples Romana Instagram

Bawat isa sa kanila ay nagdala ng regalo para sa 3rd baby ni Dimples at ang ilan naman ay nagbigay pa ng special presentation tulad ng pagkanta at pag-sayaw.

Sa ngayon ay very happy si Boyet dahil isa na namang baby boy ang magiging anak nila ng aktres at excited siyang makita kung sino ang magiging kamukha nito.

Source: Dimples Romana Instagram

Ikinasal ang mag-asawa noong 2003 at ang panganay nilang anak na si Callie ay 18 years old na ngayon samantalang ang pangalawa naman ay 7 years old. Sobrang blessed nga ni Dimples sa kaniyang pamilya at sa muli ay inihahanda niya ang sarili sa pag-aalaga ng isang sanggol.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

26th Birthday Ni Kathryn Bernardo Ipinagdiwang Sa El Nido Kasama Ang Mga Kaibigan

“Mommy’s Day Out” Elise Joson At Sofia Andres Nagbonding Kasama Ang Mga Chikiting!