in

OMGOMG CuteCute LoveLove

“Sample Princess” Nina Jhong Hilario at Maia Azores Nag-Celebrate Ng Kaniyang 1st Birthday!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang biyaya kung maituturing ang mga bata at para nga sa mga mag-asawa na nabigyan ng pagkakataon para maging isang magulang, wala ng mas sasaya pa sa ganitong pakiramdam. Sa kabila kasi ng mga hirap na kailangang pagdaanan sa pag-aalaga ng sanggol ay wala pa ring papantay sa saya na hatid nila lalo na kapag nakita mo itong nakangiti at mag-umpisa na sa pagsasalita.

Source: Jhong Hilario Instagram

Isa ang mag-asawa na Jhong Hilario at Maia Azores sa mga nabigyan ng ganitong pagkakataon at simula nang malaman nila na magkakaroon na sila ng baby ay talagang nag-iba ang kanilang pananaw sa buhay.

Isinilang ang kanilang anak na si Sarina o mas kilala sa tawag na “Sari” noong March 27,2021 at simula nang makita siya ng mga netizens ay binansagan na itong “sample princess” dahil ang kaniyang daddy Jhong ay isang “sample king”. Samantala, noong isang araw ay ipinagdiwang ni Baby Sari ang kaniyang engrandeng 1st birthday celebration na regalo sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

Source: Jhong Hilario Instagram

“Happy FIRST birthday to the person we love the most, We wish you a happy and healthy life. We are so blessed to be your parents.”, caption ni Maia sa kaniyang social media post.

Source: Jhong Hilario Instagram

Isang colorful-themed birthday party ang inihanda nina Maia para sa kanilang baby at dinaluhan ito ng kanilang malalapit na kaibigan kasama rin ang kanilang mga chikiting. Syempre hindi mawawala sa party ang mga balloons at games na talaga namang na-enjoy ng mga bata.

Source: Jhong Hilario Instagram

Samantala, sa ibinahaging offical photos ng Nice Print photography ay makikitang happy din si Sari sa kaniyang mga nakikita at mga kalaro. Super cute din ito sa kaniyang simple pero classy na OOTD.

Source: Jhong Hilario Instagram

Sa ngayon ay walang ibang hangad ang mag-asawa kundi makitang lumaking maayos ang kanilang unica-hija kaya naman hinay-hinay na muna si Jhong sa kaniyang mga showbiz projects. Gusto niya din kasing matutukan ang paglaki ni Sarina lalo na at minsan hindi na natin namamalayan ang paglipas ng panahon dahil sa sobrang kaabalahan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Paulo Avelino, Gustong Bisitahin Ang Anak Sa Amerika

Karylle At Yael, Ipinagdiwang Ang Kanilang 8th Wedding Anniversary!