in

LoveLove

Karylle At Yael, Ipinagdiwang Ang Kanilang 8th Wedding Anniversary!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Anong s@rap talaga sa pakiramdam kapag natagpuan mo na ang taong mamahalin at makakasama mo habang-buhay. Isang tao na handang mag-alaga sayo at walang ibang nais kundi ang mapasaya ka hanggang dulo. Kaya naman hindi nakakapagtaka na isa rin ito sa mga pangarap na inaasam-asam ng marami sa ating kababayan. Mayroon ngang maswerte na nahanap na ang kanilang “The One” at isa na dito ang singer at aktres na si Karylle.

Source: Karyl Instagram

Taong 2014 nang ikasal siya sa musikerong si Yael Yuzon matapos ang halos tatlong taong relasyon nila bilang magkasintahan. Nangyari ang wedding ceremony sa San Antonio ng Padua Church in Silang, Cavite at isa ito sa mga itinuring na wedding of the year. Maliban kasi sa bonggang preparasyon at star-studded din ang mga bisita at talaga namang inabangan ng publiko ang pag-iisang dibdib nilang dalawa.

Source: Karyl Instagram

Sa loob ng mahabang panahon ay hindi maiwasan ang mga p@gsubok sa relasyon ng dalawa ngunit dahil sa kanilang pagmamahalan at commitment sa isa’t isa ay nanatili pa ring matatag ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Sa katunayan, ngayong taon ay ipinagdiriwang ng dalawa ang kanilang 8th wedding anniversary!

Source: Karyl Instagram

“Happy 8th anniv to us! Since that includes 2 pandemic years, happy 108th anniv @yaelyraz!”, pagbati nito sa asawa sa pamamagitan ng social media.

Source: Karyl Instagram

Makikita sa nasabing post ang isang throwback video clip kung saan nasa rooftop silang mag-asawa at masayang nag-uusap. Mayroong itong background music na “Singapore Slingshot” ng bandang Spongecola. Samantala, sa loob nga ng mga taong ito ay naranasan ng dalawa na manatili lang sa loob ng bahay dahil na rin sa malawakang pand3miya. Dahil dito ay mas nakilala pa nila ang isa’t isa at mas lalo pa ngang minahal ang mga bagay na ngayon lang nila nadiskubre.

Source: Facebook

“I promise to use less glasses and mugs on a daily basi.”, dagdag pa ng 41-year-old na aktres.

Sunod-sunod ang mga natanggap nilang pagbati mula sa mga netizens at ang ilan ay hindi mapigilang magtanong kung kailan sila magkakaroon ng anak, bagay na hindi naman sinagot ng mag-asawa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Sample Princess” Nina Jhong Hilario at Maia Azores Nag-Celebrate Ng Kaniyang 1st Birthday!

26th Birthday Ni Kathryn Bernardo Ipinagdiwang Sa El Nido Kasama Ang Mga Kaibigan