in

LoveLove CuteCute OMGOMG LOLLOL CryCry WTFWTF AngryAngry

26th Birthday Ni Kathryn Bernardo Ipinagdiwang Sa El Nido Kasama Ang Mga Kaibigan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Summer vibes ang dating ng birthday celebration ng tinaguriang Teen Queen na si Kathryn Bernardo. Nangyari ito sa mala-paraisong isla ng El Nido Palawan at kasama niya doon ang kaniyang on-screen at real-life boyfriend na si Daniel Padilla.

Source: Alora Sasam

Samantala, hindi rin mawawala sa pinaka-importanteng araw ng dalaga ang ilan sa kaniyang pinaka-malalapit na kaibigan tulad nalang nina Ria Atayde at Alora Sasam.

Source: Kathryn Instagram

Nakisaya rin sa kaarawan ng aktres ang mahigit 16 milyon followers niya na lubos na humahanga dahil nasaksihan nila kung papaano siya nag-mature at mas lalo pang naging blooming. Sa katunayan, mala-dyosa ang dating ni Kathryn sa kaniyang summer photoshoot kung saan suot niya ang matitingkad na swimsuit. Mayroon din siyang pictures na gamit ang neutral colors.

Source: Kathryn Instagram

“I celebrate who I was, who I am, and who I will be years from now.”, pahayag ng aktres.

Sa loob nga ng 26 years ay maraming natutunan si Kathryn lalo na at bata pa lang ay sumabak na kaagad siya sa mundo ng show business. Nariyan ang pagmamahal niya sa sarili at natuto ring magkaroon ng boses pagdating sa kaniyang mga ipinaglal@ban.

Source: Instagram

“I celebrate my body, which I’ve learned to fully embrace in my journey to self-love. I celebrate the people who helped me grow – those who love me and continue to make life worth living, and those who don’t but continue to make me stronger and more resilient. I celebrate courage, being vulnerable, and the choice to stand up no matter what life throws at me,”, dagdag pa ng dalaga.

Source: Kathryn Instagram

Samantala, na-enjoy niya ang island getaway kasama ang mga importanteng tao sa kaniyang buhay at syempre hindi nito pinalagpas ang pamamasyal at swimming sa napakagandang isla.

Source: Alora Sasam

Sa huli ay lubos na nagpasalamat si Kathryn sa kaniyang mga fans at sa mga taong walang sawang sumusuporta sa lahat ng kaniyang ginagawa. At sa panibagong taon sa kaniyang buhay, walang ibang hangad ang aktres kundi ang patuloy na maging inspirasyon sa nakararami.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Karylle At Yael, Ipinagdiwang Ang Kanilang 8th Wedding Anniversary!

Dimples Romana, Still Blooming Kahit Preggy