in

CuteCute

Tingan Ang Napakagandang Glow-up Transformation Ng Childstar Noon Na Si Isabel Frial

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naalala niyo pa ba ang napaka-puti at chinitang bata na mas kilala sa onscreen name na si “Lenlen”. Siya ay walang iba kundi si Isabel Frial na sa murang edad pa lang ay kinakitaan na ng angking galing sa pag-arte. Sa katunayan, nakasabayan niya noon ang mga batikang artista at una ngang napanood ng publiko noong 2010 nang mapasama siya sa casts ng “Bantatay. Sumunod din ang break niya sa “Ang Panday 2”.

Source: Isabel Frial Instagram

Dahil nga sa kaniyang very charming look ay walang duda na magiging maganda ang takbo ng kaniyang karera sa showbiz. Napabilang din siya sa sikat na kiddie show na “Tropang Potchi” at gumawa rin ng iba’t ibang commercials. Kasabay niya noon ang ilan pang artista tulad nina Bianca Umali at Ella Cruz.

Source: Isabel Frial Instagram

Sa ngayon ay 16 years old na si Lelen at nagtransform nga ito sa isang napaka-ganda dalaga at wala pa ring kupas ang kaniyang karisma. Hindi rin siya nawala sa showbiz at tuloy-tuloy na tumanggap ng iba’t ibang projects. Marami ang natutuwa sa kaniya dahil kaya niyang magampanan ang mga role na ibinibigay sa kaniya. Sa katunayan napasama siya noon sa fantasy-comedy serye na “Alice Bungisngis and Her Wonder Walis”.

Source: Isabel Frial Instagram

Talaga namang very talented si Lenlen at sa kabila nga ng pagiging abala sa kaniyang napiling trabaho ay hindi naman nito napapabayaan ang kaniyang pag-aaral. Batid niyang mahalaga ito lalo na at walang makapagsasabi kung hanggang kailangan siya sa showbiz.

Source: Isabel Frial Instagram

Samantala, unti-unti namang naabot ng dalaga ang kaniyang mga pangarap at kamakailan lang ay nakasama niya sa isang proyekto ang idolo na si Barbie Forteza. Humanga rin sa kaniya ang aktres dahil mabilis nitong nagagawa ang kaniyang roles at maagaan rin katrabaho. Parehas din kasi silang bungisngis at masiyahin.

Source: Isabel Frial Instagram

Talaga namang napakabilis ng panahon at ang mga super cute na bata noon ay nagtransform na ngayon bilang mga dalaga at binata. Sila na naman ang mga bagong henerasyon na sinusubaybayan at hinahangaan ng ibang mga kabataan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

PBA Player Na Si Jeron Teng Nagpropose Na Sa Kaniyang Longtime Girlfriend!

Paulo Avelino, Gustong Bisitahin Ang Anak Sa Amerika